Christian Bables joins roster of talents of IdeaFirst Company

IMAGE Glen Sibonga

Director Perci Intalan (right, kneeling) speaks highly of the directors, writers and actors who comprise the pilot batch of The IdeaFirst Company's roster of talents: "Collectively sa grupong iyan napakaraming talent na makikita, napaka-diverse. Iba-iba sila ng kayang gawin, both the creative and performing artists."


Puno ng pagmamalaki sina Direk Jun Robles Lana at Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company sa artists na hinahawakan at inaalagaan nila ngayon.

Bukod kasi sa movie and television production, pinasok na rin ng IdeaFirst ang pagma-manage ng mga direktor pati na rin ng mga artista.

Impressive nga ang roster of artists na nabuo ng IdeaFirst.

“Super proud.

“Hindi ko na-imagine na it’s going to be this fast na makakabuo kami ng ganitong talent pool.

“It just happened, it was very natural sa progression ng company.

“Siyempre pag may nire-represent kang talent.

“Ang pinaka-importante doon yung mapapanindigan mo, kung makaka-deliver sila.

“Ako, I’m really very sure doon sa capacity ng lahat ng talents na hina-handle namin,” sabi ni Direk Jun.

Dagdag pa ni Direk Perci, “Collectively sa grupong iyan napakaraming talent na makikita, napaka-diverse.

“Iba-iba sila ng kayang gawin, both the creative and performing artists.

“So, nakaka-proud na nung tinayo namin yung IdeaFirst hindi namin akalain aabot kami sa ganito.”

Bakit at paano nila naisip na mag-manage ng artists?

“We knew we needed fresh talent—both onscreen and off-screen.

“Nagkataon noon na may libreng workshop akong ginagawa, ang Cine Panulat, at mula doon inimbita ko ang ilan na sumali sa productions namin—first as brainstormers, then as writers, then some apprenticed as assistant directors and later became directors themselves.

“Hindi nagtagal, nagpu-produce na sila ng sarili nilang pelikula at naiimbita na sila sa local and international festivals,” ani Direk Jun.

Ayon naman kay Direk Perci, hindi lang direktor kundi pati mga artista rin ang talagang target nilang i-manage.

Lahad niya, “Audiences are looking for something new.

“Kahit sa Hollywood, you can see that fresh talent is key.

“Maraming big productions doon ang pinagkakatiwala nila sa relatively new directors top-billed by relatively new actors.

“Habang naghahanap si Jun ng promising creative artists, sinimulan din namin ang paghahanap ng exciting new performing artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ngayon finally, both off and onscreen, nabuo namin ang group that can best represent not just our company but this new era of Philippine entertainment.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Direk Jun at Direk Perci sa grand launch ng The IdeaFirst Company para sa kanilang artists na ginanap noong August 15 sa Hive Hotel sa Scout Tuason, Quezon City.

ROSTER OF ARTISTS. Kabilang sa creative artists ng IdeaFirst ang mga direktor na sina Prime Cruz (Best Director sa QCinema International Film Festival para sa Ang Manananggal sa Unit 23B); Miko Livelo (writer-director ng acclaimed comedies Tanods, Blue Bustamante and I Love You To Death); Ivan Andrew Payawal (writer-director ng I America, na nag-compete sa 2016 Tokyo International Film Festival); Dominic Lim (writer-director na ang debut feature na The Write Moment ay napiling mag-compete sa 2017 QCinema International Film Festival); at Sigrid Andrea P. Bernardo (writer-director ng award-winning na pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita at ng highest-grossing Filipino independent film na Kita Kita).

Tatlong artista naman ang bumubuo sa performing artists ng IdeaFirst.

Pinangungunahan ito ni Christian Bables, ang breakout star ng 2016 Metro Manila Film Festival entry na Die Beautiful, kung saan siya nanalo ng Best Supporting Actor sa MMFF at Gawad Urian.

Apat na pelikula ang halos magkakasabay niyang ginagawa ngayon.

Nagpamalas siya ng husay sa pag-arte bilang bida sa Maalaala Mo Kaya episode noong Agosto 12 sa ABS-CBN.

Excited na rin si Christian sa gagawin niyang Cignal Entertainment series na Born Beautiful, na spin-off ng Die Beautiful.

Kung talent ang pag-uusapan, hindi naman magpapahuli si Cedrick Juan.

Kabilang siya sa cast ng dalawang entries sa MMFF 2016—ang Die Beautiful at ang Oro, kung saan siya na-nominate na best supporting actor.

Lumabas na rin siya sa maraming TV shows at soap operas gaya ng Till I Met You with James Reid at Nadine Lustre sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bida naman siya sa pelikulang The Ashes and Ghosts of Tayug 1931, isa sa competing films sa 2017 QCinema Film Festival.

Isa rin sa mga artistang dapat abangan ay si Adrianna So (dating nakilala bilang si Malak So).

Produkto siya ng Artista Academy ng TV5.

Pagkatapos ng mga kontrabida roles na ginawa niya sa TV5 noon, bida na siya sa upcoming Cignal Entertainment series na The Orbiters, kasama si Cedrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN