Piolo Pascual overwhelmed by P320 million box-office gross of Kita Kita

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual (right) is one of the producers who financed the movie Kita Kita starring Alessandra de Rossi (leftmost) and Empoy. It is now considered the highest grossing indie film after earning P320 million in the box office.



Overwhelmed pa rin si Piolo Pascual sa mainit ng pagtanggap ng publiko sa pelikulang Kita Kita.

Bukod sa kumpirmadong kumita ito ng P320 million, umani ng maraming tagahanga ang love team nina Empoy at Alessandra de Rossi.

Dahil sa tagumpay na ito, mas malaking hamon ang hinaharap ngayon ni Piolo bilang aktor/producer na sa huli ay maganda naman ang naging resulta.

Ayon nga sa kanya, “Masaya, but in a way it’s scary because ano ang susunod?

“Nagtatanong ang lahat, pero ’di ka puwedeng magpadala sa pressure.

“Naka-jackpot tayo, mas maganda rin na i-value natin yung sinabi ng mga tao it’s not about the budget, it’s about the quality of the film.

“Sobra yung learning in terms of how we put up a content, kasi yung mga tao are more supportive nowadays and watchful sa mga ginagawa mo.

“I guess it’s an opportunity for us to challenge ourselves even better, harder, and come up with concepts na suitable to the audience.”

Lahad pa niya tungkol sa kakaibang love team nina Empoy at Alessandra, “Marami naman talagang magagaling.

“We just have to give them the chance, and I think that we’re able to achieve that in Kita Kita.”


GERALD AND VHONG AS PRODUCERS? Ikinatutuwa rin ni Piolo na dahil sa magandang kinalabasan ng Kita Kita sa box office, ang ibang artista tulad nina Gerald Anderson at Vhong Navarro ay nagpakita na rin ng interes na mag-produce ng pelikula.

Kamakailan nga lang daw ay kausap niya sina Gerald at Jake Cuenca nang nagkasama-sama sila sa Cebu tungkol dito.

Kuwento ni Piolo, “I was talking to Jake and Gerald… Ang sarap lang na when you have not necessarily an ownership but yung project na ginagawa mo, may kasamang investment.

“Hindi lang ng talent mo kungdi  pati ng pera mo para mas maa-appreciate mo ang ginagawa mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think yun ang pinakamaganda kong take-away sa isang proyekto kung mag-produce man ang isa sa amin.

“’Di na kami bumabata and you have to push the envelope kung mayroon ka pa naman na puwedeng ibigay na iba para di magsawa ang audience sa iyo.

“Give them the chance to produce and learn from it.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Piolo sa pictorial ng movie titled Last Night.

DARING TUB SCENE? Magtatambal muli sina Piolo at Toni Gonzaga sa pelikulang Last Night sa ilalim ng direksiyon ni Joyce Bernal.

Ang ABS-CBN actress na si Bela Padilla ang sumulat nito.

Ito ang reunion project nina Piolo at Toni pagkatapos nilang gawin ang Starting Over Again na kumita ng P410 million sa box office.

Excited ang aktor dito, “’Cause it’s something different, something new.

“First parang nagwo-worry kami, paano mo ita-top yung last movie namin, di ba?

“Masarap yung experience namin especially with Direk Joyce, ’tapos ang galing pa ng sumulat ng script, artista pa.

“When Tin [Toni] and I read the script, right away we said ‘yes’ and we made sure na kami ang gagawa.”
 
May pagbabago ba siyang napansin kay Toni ngayong isa na itong pamilyadong tao?

Lahad ni Piolo, “All positive naman, all good, reserved pa rin naman si Tin.

“Hindi mo naman maalis sa kanya yung pagiging manang, manang talaga yun pero mas daring siya ngayon.

“Mas kilala na niya ang sarili niya, mas sigurado na siya sa ginagawa niya."

Ang pagiging daring ba ni Toni ay makikita sa tub scene nila sa Last Night?

May lumabas na behind-the-scenes photos ni Piolo at Toni kunsaan makikita na nasa banyo sila na may bathtub. 

May mga netizens na na-excite dahil sa tingin nila ay may daring tub scene ang mga karakter nina Piolo at Toni.





Sinabi rin ni Piolo ang improvement na nakita niya kay Toni ngayon na isa na siyang ina.

Noong September 2016, ipinanganak ni Toni ang first-born son nila ni Paul Soriano na ang pangalan ay Seve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Piolo, “Mas masarap siyang ka-eksena because mas malaki ang maturity niya sa acting, the way she presents herself.

“Lahat naman tayo tumatanda, mommy pa siya, mas naging broad pa yung appreciation niya sa arts.”

Ayon pa kay Piolo, si Toni talaga ang top choice nila ng producer ng pelikula na si Neil Arce.

“Nung sinabi ko kay Tin na basahin mo, suntok sa buwan.

“Sabi namin, saka tayo mag-isip pag hindi nagustuhan ni Tin.

“Two days later, nag-text siya, sunod-sunod na, tinext niya si Neil, buti na lang pumayag si Tin.”

Bukod sa project na ito, mag-uumpisa na rin si Piolo ng taping ngayong September 2017 para sa teleserye nila ni Arci Munoz.

Makakasama nila ang AlEmpoy love team nina Alessandra at Empoy.



Stories We Are Tracking

Piolo gets new leading lady in teleserye with AlEmpoy
Piolo gets new leading lady in teleserye with AlEmpoy
Kita Kita grosses P300 million; now highest grossing indie
Kita Kita grosses P300 million; now highest grossing indie
Alessandra:
Alessandra: "Napapagod ako sa ka-showbisan ng mga tao."
Alessandra and Empoy, unconventional couple in Kita Kita
Alessandra and Empoy, unconventional couple in Kita Kita



 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN