Janice de Belen recalls being shouted at by a veteran director on set

When she was just starting out as a child star, Janice de Belen recalls being reprimanded by a veteran director on set. "Sa sobrang takot ko, doon ako napaiyak tapos ginawa naming yung eksena," she narrates.



Isa si Janice de Belen sa mga masusuwerteng nakatrabaho ang maraming mahuhusay na film directors ng bansa.

Ang ilan sa mga ito ay ang yumaong mga directors na sina Danny Zialcita, Marilou Diaz-Abaya, Celso Ad Castillo, and Mario O’Hara.

Kuwento ng 48-year-old actress,  “Si Direk Danny, marami akong nagawa with him noong teenager pa ako.

“I did Nagalit Ang Buwan sa Haba Ng Gabi [1984], Hawakan Mo At Pigilan Ang Kahapon [1984], May Daga Sa Labas Ng Lungga [1984], Bakit Manipis Ang Ulap? [1985], Menudo at Pandesal [1985], and Bakit Madalas Ang Tibok Ng Puso? [1986].

“Si Direk Marilou naman, I worked with her sa isang Lenten special ng show ni Ate Vi [Vilma Santos] na Vilma!

“With Direk Celso, nakasama ako sa movie niya na Payaso [1986] na bida si Kuya Germs [German Moreno].

“I did two movies with Direk Mario O’Hara, yung To Mama With Love [1983] and Fatima Buen Story [1994].

“Pero siya ang unang kong naging director noong baguhan pa lang ako at nasigawan niya ako,” lahad ni Janice.

“Hinding-hindi ko makakalimutan iyon.

“My very first acting stint was sa isang TV drama ni Ms. Rosa Rosal titled Ulila when ABS-CBN 2 was still BBC-2.

"This was before I did Flordeluna.

“I was like eight years old then.

“Yung eksena kailangan kong umiyak.

“E, wala namang nagsabi na dapat may tears ang pag-iyak ko.

“Bata ako that time at wala pang alam sa acting talaga.

“Kaya parang nilukot ko na lang ang mukha ko kunwari umiiyak ako.

“Nagalit si Direk Mario!

“Nagmura siya at sinabi niya, ‘Marunong bang umarte ‘yan?!’

“Sa sobrang takot ko, doon ako napaiyak tapos ginawa naming yung eksena.

 “Since then, tumatak sa utak ko ‘yon na never again na mangyayaring sisigawan ako ng director.

“Kasi nakakahiya ‘yon, lalo na sa gano’n edad ko noon,” pagbalik-tanaw ni Janice.

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng My Korean Jagiya sa Valley Golf & Country Club sa Antipolo, Rizal noong nakaraang September 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE COLD SHOULDER. Isa ring unforgettable na director para kay Janice ay si Chito Rono na nakatrabaho niya sa mga pelikula na Bakit Kay Tagal Ng Sandali? (1990), Kailan Ka Magiging Akin (1991), at The Healing (2012).

“Takot na takot ako kay Direk Chito noon.

“Kasi marami na akong naririnig na stories about him, kaya nauna na ang takot ko bago ko pa siya nakatrabaho.

“When we did Bakit Kay Tagal Ng Sandali, nawala naman ang takot ko sa kanya.

“Pero iba siya kung magalit sa set.

“One shooting day, pagdating ko sa set, sinalubong ako ng P.A.

“Nagbigay ng instructions sa akin na wala raw kakausap kay Julio Diaz.

“It turns out na late dumating si Julio sa call time niya kaya galit si Direk Chito sa kanya.

“Kaya ang gusto niya, walang kakausap kay Julio sa set.

“Ako naman, dahil takot ako kay Direk Chito, sumunod na lang ako.

“As in, kapag babati si Julio, umiiwas kami.

“Bawal talaga siyang kausapin,” kuwento ni Janice.

Patuloy pa niya,  “Pagdating ng dinner break, magkakasama kami sa lamesa nila Direk Chito, Dina Bonnevie at Direk Eddie [Garcia].

“Lumapit si Julio at sinabi na baka puwede siyang makasama na sa lamesa?

“Tumingin si Direk Chito sa amin at nagtanong, ‘O babatiin na ba natin siya?’

“Um-oo na kami kasi nakakaawa na si Julio.

“Kaya isa si Direk Chito sa hindi ko makakalimutan na director, and I’m lucky to have worked with him.

“Hopefully, makatrabaho ko pa siya ulit,” ani Janice.

WORKING PRIVILEGES. Naging paborito rin si Janice ng iba pang director tulad nila Laurice Guillen, Mario J. delos Reyes, Mel Chionglo, Jose Javier Reyes, at Peque Gallaga.

Nakatrabaho na rin niya ang dalawa pang director na nagawaran National Artist for Film na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal.

Kapwa pumanaw na ang dalawang award-winning directors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I worked with Lino Brocka only once sa movie na Napakasakit, Kuya Eddie in 1986.

“Si Direk Ishmael Bernal, I was able to work with in three movies.

“The first was yung ‘Pridyider’ episode ng unang Shake, Rattle & Roll in 1984.

“Second movie with him was Wating in 1994.

“Tapos naging director ko rin siya sa isang TV drama,” kuwento ng batikang aktres.

“I can say na I’m very lucky, lalo na ang mga kasabayan ko noon, that we were able to work with these award-winning directors.

“Ngayon kasi, hindi na mararanasan ng mga artista ngayon kung paano sila katrabaho kasi wala na sila.

“Yung ibang mga directors naman, hindi na sila active.

“Ang maganda roon is to get to share the experience working with them sa mga baguhan ngayon,” dagdag pa ni Janice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN