Ai-Ai delas Alas wins Best Actress at 2nd Los Angeles Philippine International Film Festival

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas picks up her third international Best Actress award for her performance as a prostitute in Area.


Si Ai-Ai delas Alas ang nagwagi ng Best Actress award sa 2nd Los Angeles Philippine International Film Festival dahil sa performance niya bilang prostitute sa indie film na Area.

Ang Area director na si Louie Ignacio ang personal na tumanggap ng Best Actress trophy ni Ai-Ai sa awards ceremony na ginanap sa Double Tree Hilton, Los Angeles, California, nitong Linggo ng gabi, October 29 (California time).  

“Thank you sa mga organizer ng Los Angeles Philippine International Film Festival.

“Nakakataba ng puso na na-recognize nila ang akting ko sa Area,” ang pasasalamat ni Ai-Ai nang matanggap nito mula kay Direk Louie ang magandang balita ngayong umaga, October 30 (Philippine time).

Gustung-gusto ni Ai-Ai na puntahan ang mga international film festival na kasali ang Area, pero pinagbabawalan siya dahil sa obserbasyong nananalo ng acting awards ang Comedy Queen kapag hindi ito dumadalo.

Ang Best Actress trophy ng Los Angeles Philippine International Film Festival ang ikatlong international acting award na natanggap ni Ai-Ai para sa pagganap niya sa Area.

Siya rin ang best actress winner sa Queens World Film Festival ng New York City noong March 2017, at sa ASEAN International Film Festival sa Kuching, Malaysia, noong May 2017.

Dahil sa success ng Area sa mga international film festival, plano ni Ai-Ai na gumawa uli ng indie movie sa 2018.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN