Jose Manalo on JoWaPao succeeding Tito, Vic, and Joey: "Hindi pa namin kayang tumayo na wala silang tatlo."

Jose Manalo (left) says their trio of JoWaPao together with Wally Bayola (middle) and Paolo Ballesteros, still need the support of veteran TV host-comedians Tito, Vic, and Joey. "Kasi, mas lumalakas lang ang loob namin, lalo na kapag nakita naming tumawa sila, mas nadaragdagan ang ginagawa namin."



Vocal ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon na kung meron man siyang nakikitang puwedeng pumalit sa kanilang tatlo nina Senator Tito Sotto at Vic Sotto, ito ay wala ng iba kung hindi ang JoWaPao o sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Pero katulad din ng tinuran nina Wally at Paolo, ayon kay Jose, hindi pa raw nila nakikita ang mga sarili na kayang gawin ang mga nagawa at nagagawa ng TVJ (na binubuo nina Tito, Vic, and Joey).

“Hindi namin alam kung kaya namin. Kung may iiwan man sila sa amin, hindi ko masabi. Hindi namin masabi. Hindi pa siguro namin kaya,” saad ni Jose.

Bakit hindi pa niya nakikita silang tatlo na papalit sa TVJ?

“Malayong-malayo pa dun sa alam naming ginagawa nila sa amin ngayon," paliwanag ni Jose.

"Hindi pa namin kayang tumayo na wala silang tatlo.

"Kasi, mas lumalakas lang ang loob namin, lalo na kapag nakita naming tumawa sila, mas nadaragdagan ang ginagawa namin.

“Paano kung wala na sila run sa harap namin, baka hindi namin kaya pa. Mahirap pa, e, para hawakan mo yun.”

Hindi pa rin daw nakikita ni Jose kung paano ang Eat Bulaga! kapag wala na ang TVJ.

“Ewan ko, baka kapag wala nang Tito, Vic, and Joey, baka wala na rin Eat Bulaga!

"‘Wag naman sana. Pero, hindi pa namin nakikita yung ganoong factor or ni sumagi sa isip namin.

“Lalo na ako, nanggaling ako sa production. Ang utak ko pa rin nasa production.

"Hindi pa totally na, ''Eto ka, nakaya mo palang gawin ‘to.' Hindi pa siguro. Mahirap pa.”

Pero sa kabila ng hindi pa nila nakikita ang sinasabi ni Joey na silang tatlo ang puwedeng pumalit sa mga ito, hindi naman itinanggi ni Jose na masaya siya na ganun nga ang tingin ni Joey sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa,” saad niya.

“Si Tito, Vic, and Joey kasi, makikita mo na hindi sila madamot.

"So kung may nakikita sila na ‘eto, ipapamana nila sa inyo, siguro nakikita nila yun pero hindi pa namin kayang hawakan kung ipamamana nila sa amin. Sa ngayon, hindi pa namin kaya.”

FROM TV TO THE BIG SCREEN. Silang tatlong Lola—Lola Tinidora, Lola Tidora at Lola Nidora—ay hindi na lamang sa Eat Bulaga! at sa The Lolas’ Beautiful Show napapanood, meron na rin silang pelikula.

Ito ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies na ipalalabas na sa November 22.

Gaano siya kapositibo na magkakaubusan ng tickets sa box-office?

“Ah, first time kasi na may ginawa kaming tatlo, yung Kilabot Brothers, na maganda rin ang kinalabasan nun.

"Mga three or four years [ago] yata. Kaya lang, itong Lolas kasi, iniisip naming mangyayari, yung buo comedy.

“May suspense talaga, action, kaya ubusan ng boses. E, Lola ka so dapat nakapasok ka pa rin sa character.  Mas okay talaga. Laban kung laban, seryosong suntukan.”

Kung sa telebsiyon ay meron na silang solidong manonood, kinakabahan ba sila pagdating sa box-office result dahil kailangan itong dayuhin at bayaran ng tao?

“Sobra yung kaba namin,” pag-amin niya.

“Unang-una, ang kasama lang naming beterano, si Angelika dela Cruz, si Arthur Solinap.

"Tatayo ba tayo? 'Tapos puro baguhan ang kasama naming bata. Karamihan puro first movie nila.

"Nakita naman namin kung paano umarte yung dalawang bata.

“Yung dalawang Bae, tapos si Taki, pati yung apo namin na si Charmaine, magagaling sila, e, nakikinig. 

"Alam mong baguhan pero kaya nilang sumabay run sa mga datihan ng artista at kung ano ang hinihingi ng eksena.

Patuloy pa ni Jose, “Sobrang kinakabahan kami ngayon pero sana maganda, maganda ang pagtanggap ng mga tao kung paano ang pagtanggap nila sa amin sa Eat Bulaga! at sa "Kalyeserye," ganun din sana sa movie kasi ang laki nang pagkakaiba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas okay ba na ngayong November ang playdate nila kesa sa sumali sila sa MMFF?

“Yung film fest siguro hindi pa namin masyadong iniisip pa rin—pangarap namin siguro, pero kapag sinabi mong film fest, bossing, nandun kami.

"Hindi kami puwedeng kumalas dun. Kahit na may kumuha pang iba, kahit hindi yung character ng Lola, hindi siguro.”

Halos mag-aabot din ang pelikula nila sa mga sinehan at ang Hollywood film na Justice League, bukod pa ang solong pelikula ni Paolo Na Barbi D’ Wonder Beki.

Ayon kay Jose, “Yun nga, medyo ipit ang playdate.

"'Tapos magsu-showing pa yung kay Pao. Siguro iba naman yun at iba rin yung sa amin.

“Pero yung kaming tatlo, siguro yung tiwala na ibinigay ng producers, yun na lang ang pinanghahawakan namin dahil hindi naman nila kukunin yung playdate na yun kung alangan kami.

“Kung alangan man, siguro alam nila na panonoorin kami ng tao.”

Nasusulat na rin na may surprise roles sina Alden Richards at Maine Mendoza sa pelikula nila na kinumpirma naman ni Jose.

Aniya, “Yun ang aabangan niyo.  Hindi ganun kahaba pero maganda ang dating nila.

“Yun ang tanong, e. Yung labas nilang yun, malay mo may kasunod na mas maganda pa.”



Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros wants Kapamilya star to guest in GMA show
Paolo Ballesteros wants Kapamilya star to guest in GMA show
Paolo Ballesteros describes difficulties of doing two movies
Paolo Ballesteros describes difficulties of doing two movies



#tripubusan #tripubusanlolasvszombies Nov 22 na ????????

A post shared by Angelika Dela Cruz Casareo (@angelikadelacruz) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN