JM de Guzman to make movie comeback after being declared "substance-free"

JM de Guzman is expected to star in a TBA movie. A producer also wants JM to star in the sequel of That Thing Called Tadhana.


Balik-sigla muli ang career ni JM de Guzman pagkatapos niyang mamahinga sa paggawa ng pelikula at TV shows dahil sa mga pinagdaanan niyang personal problems and struggles. Two years ago, inamin ni JM na dumaan siya sa "anxiety attacks, bipolar [disorder], and depression." 

Noong October 15 ay nag-post si JM sa kanyang Instagram account ng certificate na "substance-free" na siya for almost two years. Ayon sa 29-year-old actor ay magse-celebrate siya ng ikalawang taon niya ng pagging sober by December 2017. 

Mula noon ay inulan siya ng maraming “good vibes” na comments at feedback mula sa netizens sa social media.

Kumpirmado na ang pagbabalik-pelikula ni JM, at ang mauuna na dito ay mula sa production oufit na TBA Studios.

Nag-post ang executive producer ng award-winning film outfit na si Mr. Eduardo Rocha ng kanyang picture kasama si JM at isa pang co-executive na si Mr. Fernando Ortigas.

“The boy is back in town,” ang photo caption ng post ni Mr. Rocha, na siyang nag-produce ng mga critically-acclaimed films tulad ng Heneral Luna, Birdshot, Bliss, ang upcoming Goyo: Ang Batang Heneral, at iba pa.

Nabanggit nga ni Mr. Rocha sa early Thanksgiving and Christmas party nila kamailan lang, "We're making Filipino movies great."

As of press time ay wala pang detalye ng gagawing movie ni JM tulad ng title, co-actors, writer, at director, pero ayon sa isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isang "matinding" material ang kuwento ng nasabing pelikula.

Mula naman sa isa pa ring source na nakausap namin, may plano rin ang TBA na gumawa ng sequel ng blockbuster na pelikula ni JM, ang “hugot film” na That Thing Called Tadhana, na pinagsamahan nila ni Angelica Panganiban.

“Ang setting ay sa isang Asian country, possibly Singapore. Nagmi-meeting pa lang and naghahanap ng co-funders,” saad ng aming source.

Ang isa pang movie offer kay JM ay isang love story-road trip movie set in Cambodia, ngunit ginagawa pa ang script.

Isa pang "matinding" pelikula ang ino-offer kay JM mula sa isang award-winning at internationally-acclaimed filmmaker, pero wala pang final details dito at under negotiations pa lamang ang lahat.

Female big star at award-winning actress naman daw ang makakapartner ni JM sa nasabing proyekto, ayon pa rin sa aming source, na umaasang matutuloy ang negosasyong nasimulan na.

Mukhang tuluy-tuloy na nga ang pagbabalik ni JM de Guzman, at lahat nang ito’y inaasahang mangyari sa pagpasok ng taong 2018.

Ang mga ito at iba pang film offers ay patuloy na dumarating sa mga palad ngayon ni JM, ayon pa rin sa source, at isa-isang binabasa ng aktor ang scripts, at pinag-iisipan bago mag-commit.

Sa telebisyon ay pinag-aagawan rin siya ng magazine talk shows na “makauna” na maka-exclusive interview sa kanyang comeback: ang Rated K ni Korina Sanchez ng ABS-CBN at ang Kapuso Mo, Jessica Soho ni Jessica Soho ng GMA-7.

Kahit na expired na ang management contract ni JM sa Star Magic ng ABS-CBN, ang dinig namin ay nakikipag-usap pa rin ang kanyang kampo sa top officials ng Kapamilya network.

Obvious na nais pa ring manatili ni JM bilang isang Kapamilya, kunsaan siya nakilala ng publiko.

“Ang daming nag-aagawan [to get the services of JM]. Gusto nga rin siyang papirmahin ng exclusive movie contract ng isang film outfit, pero nag-iisip pa siya.

“Pero he already met with top officials ng ABS-CBN, and yun ngang movie under TBA Studios, na una muna niyang gagawin.

“Patibayin muna natin si JM para tuluy-tuloy na talaga ang pagbabalik niya,” sabi ng source.

Sa latest development na ito sa career ni JM, hindi lamang ang kanyang loyal fans ang natutuwa, kundi pati na ang mga taga-industriyang naniniwala sa kakayahan ni JM.



Stories We Are Tracking

JM de Guzman now on his second year of sobriety
JM de Guzman now on his second year of sobriety
<p>JM de Guzman admits he's bipolar</p>

JM de Guzman admits he's bipolar




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN