Kapuso child actor Miggs Cuaderno is now a teenager

IMAGE @miggscuaderno on Instagram

Former Kapuso child actor Miggs Cuaderno welcomes the physical changes as he transitions to teenhood: "Unang-una po, tumangkad na po ako. 'Tapos, hindi na kasya ang mga dating damit at mga sapatos ko. Hinihintay ko na lang po ang paglaki ng boses ko. Hanggang ngayon po kasi, maliit pa rin. Boses bata pa rin ako."


Binata na ang dating Kapuso child actor na si Miggs Cuaderno.

Sa edad niyang 13 anyos, masasabing nasa awkward stage si Miggs ngayon kaya nahihirapan daw siyang mabigyan ng mga projects dahil nasa puberty stage ito.

Pero nagpapasalamat pa rin si Miggs na kahit alangan siyang bata at binata, may mga ginagawa pa rin siyang mga projects sa GMA-7.

Kasama si Miggs sa indie film na Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa kunsaan gumaganap siya bilang isang child warrior.

Sa TV ay may maliit na role ito sa primetime teleserye na Kambal, Karibal.

“Yung last teleserye ko po ay yung Poor Señorita ni Ms. Regine Velasquez-Alcasid.

“'Tapos, nakasama ako sa comedy-adventure series na Tsuperhero.

“Noong wala pa akong pinagkakaabalahan na teleserye, nag-focus po ako sa school.

“Next year po ay first year high school na ako.

“Okey din naman po na hindi ako masyadong busy.

“Nagkaroon po ako ng time na mag-concentrate sa pag-aaral,” pahayag pa ni Miggs sa press conference ng Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa sa Max’s Restaurant, Sct. Tuazon Street, Quezon City noong November 29.

EMBRACING PUBERTY. Dahil teenage na, handa naman daw si Miggs sa mga pagbabago sa kanyang katawan.

“Alam ko naman po ang mga magiging changes sa akin po.

“Unang-una po, tumangkad na po ako.

“'Tapos, hindi na kasya ang mga dating damit at mga sapatos ko.

“Hinihintay ko na lang po ang paglaki ng boses ko.

“Hanggang ngayon po kasi, maliit pa rin. Boses bata pa rin ako,” tawa pa niya.

Bilang child actor, nakapanalo si Miggs ng maraming acting awards para sa mahusay na pagganap niya sa mga pelikulang Asintado, Quick Change at Children Show.

Unang TV exposure ni Miggs ay ang children’s educational show na Tropang Potchi.

Ang unang teleserye naman niya ay ang Munting Heredera noong 2011.

CRUSHES. Sa kanyang edad ngayon, hindi kataka-takang may mga crushes na si Miggs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang mga type daw niya ay mga Hollywood stars.

“Pinaka-crush ko po ay si Margot Robbie.

“Ang ganda po kasi niya at ang galing niya bilang si Harlequin sa Suicide Squad.

“Sa local po, wala pa akong masyadong crush po,” ngiti pa ni Miggs Cuaderno na may dalawang indie films na gagawin next year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN