Andrea Torres feels blessed to play third party in Vic Sotto-Dawn Zulueta teamup in Meant to Beh

IMAGE Allan Sancon

Andrea Torres feels blessed to work with Vic Sotto and Dawn Zulueta in Meant to Beh, where she plays the third party in Vic and Dawn's teamup. "Gusto kong makatrabaho si Bossing saka si Miss Dawn pero hindi ko alam na ngayon siya darating. Kaya nung sinabi sa akin, kilig na kilig talaga ako!"


Masaya si Andrea Torres na kabilang siya sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na Meant to Beh. 

Siya ang gumaganap na third party sa mga karakter nina Vic Sotto at Dawn Zulueta sa pelikula.

Hindi ba mahirap maging third party sa dalawang nabanggit na malalaking artista?

Paliwanag ni Andrea, “Di ba? Ang ganda-ganda ni Miss Dawn! Pero ang maganda kasi sa role ko hindi siya kontrabida talaga.

"Hindi siya mataray, hindi siya nang-aapi. Nice person siya.

“Parang pinagselosan lang siya dahil same sila ng ugali ni Bossing. Pareho kaming jologs.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa presscon ng Meant To Beh

Mabuti at pumayag si Andrea na ganito ang role niya, na third party? Hindi ba siya natakot na baka lagyan ito ng kulay ng mga bashers niya?

“Naku hindi! Hindi ako nagpapadala sa mga ganun! Basta ako sobrang saya ko na nabigyan ako ng ganitong blessing.

“Parang, alam ko na gusto kong makatrabaho si Bossing saka si Miss Dawn pero hindi ko alam na ngayon siya darating.

"Kaya nung sinabi sa akin, kilig na kilig talaga ako!

“Saka sobra ngang ano, e, overthinking talaga ako na 'Naku, kailangan ganito, kailangan perfect!’

“Ganyan. Kasi ayokong magalit sila sa akin. Yung ganun.”

Bakit naman sila magagalit sa kanya?

“Yung… ayokong magkamali, kailangan lahat ng linya tama, yung ganun.”

Paano niya “inahas” si Bossing sa movie?

“Hindi ko siya inahas sa movie! Nice nga ako, e,” at tumawa si Andrea.

Sa trailer kasi ng Meant To Beh ay parang inaagaw niya si Vic kay Dawn.

“Hindi, nagkaroon lang ng ano, confrontation.”

So hindi siya nang-ahas sa movie?

“Hindi.”

Kasama rin sa Meant to Beh sina Gabbi Garcia, Ruru Madrid, JC Santos, Daniel Matsunaga, Sue Ramirez, at Baeby Baste.

May special participation sa pelikula sina Alden at Maine Mendoza, at sina Pauleen Luna, Kristine Hermosa-Sotto, Oyo Sotto at ang JoWaPao na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN