Lharby Policarpio still waiting for biggest break in showbiz after three years

IMAGE Noel Orsal

Hindi nagmamadali si Lharby Policarpio na mabigyan ng malaking break sa showbiz. Hinihintay ng former To The Top contestant ang magandang oportunidad na ibibigay sa kanya.



Magtatatlong taon na sa show business si Lharby Policarpio ngunit hindi pa talaga siya nabibigyan ng masasabi nating big break sa kanyang karera.

Pagkatapos niyang sumali sa To The Top boy band search ng GMA-7 noong taong 2015, nagkaroon siya ng mangilan-ngilang proyekto sa telebisyon.

Katatapos lang niyang mag-guest sa daytime series na Ika-6 na Utos at masuwerteng nakasama sa Meant To Beh na entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Sa tingin ba niya matagal ang kanyang break sa showbiz? Saad ng 23-year-old Kapuso star, “Well, I think yes, matagal ang process.

“And I think depende naman ‘yan sa luck ng bawat tao. Meron naman kapapasok lang tapos andyan agad ang luck nila.

“Ako siguro, as much as binibigyan ako ng time, kahit wala pang project, at least wala pang big project, nagiging training ground ko yung paghihintay ko kung kailan nila ako bibigyan ng break or something.

“Kasi nagiging inspiration ko yung maraming artista, e, kung kailan sila nabigyan ng chance na sumikat kasi siyempre lahat naman kami, lahat naman kami hindi lang naman ganito ang gusto, they want something more pa na matuto sila.”

Ngayon, maituturing niyang big break na napasama siya sa pelikulang pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta para sa MMFF 2017.

Sabi ni Lharby, “Sobrang nakaka-flatter kasi ayun nga, I used to watch Bossing Vic’s films.

“Bata pa lang ako mahilig na ako ng mga fantasy films, Enteng Kabisote mga ganyan. Parang to be part of this kind of film tapos entry pa siya ng MMFF and sobrang nakaka-overwhelm kasi naging part ako ng pelikula and achievement yun for me.”

Ano ba ang role niya sa Meant To Beh? Lahad ni Lharby, “Ako po ay si Brad dito, isa po akong famous guy sa school namin.

“May gusto sa akin si Sue [Ramirez], pero ayaw ko sa kanya and then si JC Santos may gusto siya kay Sue kaya lang ayaw sa kanya ni Sue kasi ako nga yung gusto niya so parang dun umikot ang istorya. Si JC, nerdy guy kaya medyo binu-bully ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lharby sa December 14 pocket presscon nila ni Andrea Torres para sa pelikulang kinabibilangan na Meant To Beh na ginanap ng GMA Artist Center sa Cave Restaurant, Quezon City.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN