Piolo Pascual reveals plans for advocacy film on Marawi siege

IMAGE Glenn Regondola

Piolo Pascual reveals reason for recent Marawi trip: "The reason we went there also is to check the whole place at nagpaalam po kami para makita at nagpaalam po kami kung saan kami puwedeng mag-shoot kasi nire-rehab na yung lugar."


Hindi raw makakalimutan ni Piolo Pascual ang mga nakita niya sa Marawi nang bumisita siya doon noong January 23 kasama sina Robin Padilla, Direk Bb. Joyce Bernal at Nadia Montenegro.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Piolo sa presscon ng pelikulang Meet Me in St. Gallen na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Carlo Aquino, ibinahagi niya ang naramdaman niya habang naroon sila sa Marawi.

Bungad ng Kapamilya hunk, “It’s the eerieness.

“Yung tipong, 'Totoo bang nangyari sa 'tin 'to?'”

“And I think what’s important is we cannot turn a blind eye anymore with what has happened in our country.

“I think it’s important for us to be involved.

“It’s important for us to be aware doon sa nangyari para hindi na mangyari uli, para makatulong tayo, para malaman ng mga tao na iisang bayan tayo, hindi tayo divided by religion.

“Puwede nating gawin yung platform natin para we can raise awareness para may makatulong pa.

“Pero ang nangyari, natapos na ang war, a lot of people are displaced, a lot of people don’t have their homes back, and sana huwag tayong tumigil, sana gumawa tayo ng aksyon.”

ADVOCACY FILM. Ibinalita ni Piolo na may gagawin silang project nina Robin kaya sila bumista sa Marawi.

Patuloy niya, “We’re doing a film.

“The reason we went there also is to check the whole place at nagpaalam po kami para makita at nagpaalam po kami kung saan kami puwedeng mag-shoot kasi nire-rehab na yung lugar.

“Yung mga tao naman kasi, the reason they are not allowed to go back because there are still bombs that have not been detonated. So, it’s not safe.

“So, we just saw the place for logistics and yun po, nagpaalam po kami, nag-courtesy call kami kay Mayor [Marawi mayor Atty. Majul U. Gandamra].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpaalam kami sa military kung paano kami magsu-shoot doon.

“Yung script namin ginagawa na and hopefully, before summer starts, makapag-start na nang pelikula.”

Ayon kay Piolo, hindi pa final ang casting ng kanilang pelikula dahil ginagawa pa ang script.

FUND-RAISING EFFORT. Pero sinigurado ni Piolo na ang kikitain ng pelikula nila ay idu-donate nila para sa rehibilitasyon ng Marawi.

Dagdag pa pa Piolo, “The reason why ginagawa namin yung pelikula is really for the proceeds to go to the housing project that kuya Binoe started, yung Tindig Marawi.

“So, yung mga donation kasi hindi sapat.

“Coming up with the film with an advocacy, lahat kami dito pro-bono.

“From the producers to everyone, and then whatever proceeds we’re gonna get, para yun sa tulong, para sa housing ng Marawi.”

Ginanap ang presscon ng Meet Me In St. Gallen nitong nakaraang Biyernes ng tanghali, January 26, sa Plaza Ibarra, Timog Ave. Quezon City.

Dinaluhan ito ng mga bidang sina Bela Padilla, Carlo Aquino, direktor ng pelikula na si Irene Villamor at ang mga producers ng Spring Films na sina Direk Joyce at Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN