Joyce Bernal reveals financial arrangement with Piolo Pascual and other fellow producers

IMAGE Allan Sancon

Joyce Bernal says she wants to focus on being a producer for now, as it allows her to work on multiple projects at a time. "Kaya kong gumawa nang tatlong pelikula nang sabay-sabay. Mahirap pagsabayin, e. Pag nagdirek ako dapat nandoon lang ako. Maaapektuhan yung trabaho."



Nagpahayag na ang direktor na si Bb. Joyce Bernal ng pagnanais na magpahinga muna sa pagdidirek ng pelikula. 

Ayon sa kanya, nais niyang huminto ng isa o dalawang taon mula sa pagiging direktor at mag-focus na lang muna sa pagiging isang producer.

Kabilang si Direk Joyce sa production team ng Spring Films, na kinabibilangan din ng aktor na si Piolo Pascual at artist-manager na si Erickson Raymundo.

Kabilang sa mga pelikulang na-produce ng Spring Films ay ang tatlong installments Kimmy Dora na pinagbidahan ni Eugene Domingo.

Ayon kay Piolo, ang Kita Kita nina Empoy at Alessandra de Rossi na kumita ng P350 million pesos at tinuturing na highest-grossing indie film sa Pilipinas.

Ang upcoming movie ng Spring Films ay ang Meet Me In St. Gallen na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Carlo Aquino, sa direksyon ni Irene Villamor. Nakatakda itong ipalabas on February 7, 2018.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joyce sa presscon na Meet Me In St. Gallen na ginanap sa Plaza Ibarra, Timog, Q.C.

Bungad na paliwanag ni Direk Joyce, “Gusto kong magdirek pero mas marami akong kayang gawin pag producer.

“Marami kang maibibigay. Kaya kong gumawa nang tatlong pelikula nang sabay-sabay.

“Mahirap pagsabayin, e.

“Pag nagdirek ako dapat nandoon lang ako.  Maaapektuhan yung trabaho.”

Hindi lang raw matanggihan ni Direk Joyce ang current directorial project niya na pinagbibidahan ngayon ni Sarah Geronimo, ang Miss Granny. Kabilang rin sa cast members sina James Reid at Xian Lim.

“Si Boss Vic kasi,” pagtukoy ni Joyce sa Viva Entertainment, Inc. producer na si Vic Del Rosario.

“Nakiusap siya, e.”

SPRING FILMS OFFERINGS. Ayon kay Direk Joyce, ang movie project niyang ito ang siyang huling directorial movie project niya dahil magku-concentrate na lang siya sa pagpu-produce ng pelikula.

Itinanggi naman ni Direk Joyce ang ilang speculations tungkol sa pagiging mayamang direktor niya ngayon dahil sa estado niya bilang box-office direktor at film producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw niya ang isyu sa pagkakaroon niya ng BMW car.

“Matagal na yun,” giit niya.

“Ano pa lang ako...kasing edad na yun ng anak ko, 2004 pa yun.  Nagu-Uber ako ngayon, e.”

SPRING FILMS PROJECTS FOR 2018. Ibinalita ni Direk Joyce na aabot sa limang pelikula ang ilalabas ng Spring Films sa taong ito.

Paano ba ang hatian nilang mga producers sa kinikita ng bawat pelikulang ipinapalabas sa sinehan?

Sagot ni Direk Joyce, “When it comes to money kasi, ang may ano niyan si Erickson at saka si Piolo.

“Sila kasi yung unang naglalabas. Basically sila ang executive producer namin. 

“'Tapos yung hatian noon...actually, equal kami.”

Naglalabas rin ba siya ng pera?

“Hindi, hindi ako naglalabas,” sagot niya.

Isa sa mga magiging offerings ng Spring Films ay ang comeback movie project ni Ogie Alcasid, ang Kuya Wes.

Nagbigay ng detalye dito ang director-producer.

“Yung Kuya Wes is a Cinemalaya movie tapos production namin Spring Films. Si Ogie Alcasid kasi siya ang bida.” 

Ang latest offering naman nilang Meet Me in St. Gallen ay kinunan pa sa St. Gallen, Switzerland. 

Bakit nga ba nila naisipan mag-shoot sa historical na St. Gallen church?

“Oo nga, e, ang mahal-mahal,” pag-amin ni Direk Joyce.

“Kasi it’s a UNESCO heritage site. The church in St. Gallen is 1,800 years [old].

“Yun yung pinakapinupuntahan ng mga tao doon. Ang lakas makamayaman ng lugar.

Patuloy niya, “Karamihan ng budget na four days namin, sa St. Gallen napunta.

“Fee, mga tao, may permit. UNESCO [World Heritage Site] yun, kaya kailangan ng permit.

“So, buong budget ng Kita Kita ang nagastos sa [shooting sa] St. Gallen.”

MOVIE ON MARAWI. Nang matanong si Direk Joyce tungkol sa pagbisita nila ng Marawi ay ibinalita nitong gagawa sila ng pelikula.

Patuloy niya, “May gagawin kaming pelikula with Robin [Padilla] with Spring Films, kami nina Piolo ang producers.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And siyempre, sensitive topic yun. Gusto naming maramdaman kung ano yung nararamdaman nila, kung ano yung kagustuhan nila. Kaya gusto naming makita.”

Inisa-isa ni Direk Joyce kung sino ang ninanais nyang isama sa pelikula.

Aniya, “Marami kaming ina-eye like si Daniel [Padilla], si Carlo [Aquino], si JM [de Guzman].

“Marami kaming ina-eye kasi sundalo sila, e. Action-drama.

“Kailangan pang maibigay namin yung script kaya wala pa kaming ma-ano [makuha] pa.  It’s a war movie.

“Sigurado na si Robin. Ang susulat yung tagaroon rin at ang direktor namin ay si Sheron Dayoc. Mga tiga-Mindanao sila.”

Tinatayang sa March magsisimula ng principal photography sina Direk Joyce para sa pelikula.

Pinaplano rin nila itong isali sa mga international film festivals.

“Yun ang isang ina-eye namin kaya kailangan naming matapos nang maaga,” pahayag pa ni Direk.

Dalawang buwan raw kukunan ang shooting ayon pa sa kanya.

 


Stories We Are Tracking

Piolo Pascual reveals plans for movie on Marawi siege
Piolo Pascual reveals plans for movie on Marawi siege
Here's why Carlo Aquino is thankful to Piolo Pascual
Here's why Carlo Aquino is thankful to Piolo Pascual


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN