Lovi Poe wants to work with these ABS-CBN actors

IMAGE Mark Atienza

Lovi Poe (in photo) stars with Tom Rodriguez and Erich Gonzales in the sexy drama film The Significant Other that will open in cinemas on February 21, 2018.


Masaya ang GMA-7 actress na si Lovi Poe na nabigyan siya ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Star Cinema via the movie The Significant Other.

"And of course to work with Erich [Gonzales] because she’s from a different network and I’m very, very blessed kasi nga nabibigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho yung mga tao na hindi ko ini-expect na makatrabaho.”

Ano ang mga pagkakaiba working for the first time sa Star Cinema sa ibang movie companies?

“Well everyone, all productions I’ve worked with they’re very professional so I really can’t say the difference or can’t see, actually. I can’t tell you the difference at all.”

Hiningan naman namin ng reaksyon si Lovi sa sinabi ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez na idolo nito si Lovi.

Si Lovi ang isa sa mga dahilan kaya nagpa-manage si Janine kay Leo Dominguez (Lovi’s manager) dahil gusto ni Janine na tularan ang showbiz career path ni Lovi.

“Awww, she’s so sweet! Oh, she’s very sweet, si Janine. And she’s a very, very beautiful lady and coming from her naman talagang nakaka-flatter and I’m so happy because the moment na nalaman ko she’s very welcome sa family because Tito Leo is an amazing manager and malayo ang mararating ni Janine.

“I know that for a fact,” mariing sinabi pa ni Lovi.

Produced by Cineko Films and distributed by Star Cinema, ang The Significant Other ay ipapalabas sa mga sinehan simula February 21. Bukod dito, bida rin si Lovi sa The One That Got Away, ang GMA teleserye kunsaan kasama rin sina Rhian Ramos, Max Collins, at Dennis Trillo.

Nasa pelikula rin sina Dina Bonnevie at Snooky Serna na kasama rin ni Lovi sa The One That Got Away.

Ano pa ang goals niya at sino pa ang nais ni Lovi na makatrabaho sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There are a lot f things I wanna do still and l’m very glad that I was given this opportunity and I think madami pa rin po ako na gustong makatrabaho.

“Like… a lot! There’s Piolo [Pascual], there’s Coco [Martin], a lot I wanna work with.

“And, of course, given the chance that will be an amazing blessing.

“But more than anything, it’s I think, very meaty roles, that is one thing that I really pray for all the time.

“And if you’re asking me what kind of role I want? I wanna play a psycho girl,” at tumawa si Lovi.

Kahit raw ma-deglamorize si Lovi ay okay lang sa kanya.

“Of course! Sa acting naman, hindi mo iisipin ang itsura mo kung maganda ka o hindi. Iyan ang number one rule ko para sa sarili ko.

“Kapag umaarte ka, kahit pumangit ka okay lang,” at tumawa si Lovi.

Going back to The Significant Other, hindi ba na-disappoint si Lovi na may pelikula nga siya sa Star Cinema pero ang leading man niya ay Kapuso rin, si Tom Rodriguez?

Lalo pa at nais niyang makatrabaho sina Piolo at Coco?

“Oh, no, no! Tom, I call him my favourite fake husband,” at tumawa ang Kapuso actress. “Sobrang paborito ko siyang kaeksena kasi nag-Someone To Watch Over Me kami together and oh my God!

“The relationship that we built as husband and wife sa characters namin, nadala din namin dito so it was amazing!

“Ang sarap-sarap niyang kaeksena.”

Magkaibigan sila ni Carla Abellana na girlfriend ni Tom. Hindi ba nakakailang kapag gumaganap silang mag-asawa lalo pa at may intimate scenes sila ni Tom?

“Hindi naman. Si Carla kasi she’s always been cool and very supportive and talagang I’m very thankful kasi nga even may intimate scenes kami ni tom I didn’t hear anything from her because we’re all very professional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parehas din kay Tom, professional din siya so… And in the first place, Carla does not have that kind of attitude and second lahat kami dito professionals.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN