Pia Wurtzbach, Gerald Anderson narrate humbling experiences with director Cathy Garcia-Molina

IMAGE Star Cinema

My Perfect You lead stars Pia Wurtzbach and Gerald Anderson recount their humbling moments with director Cathy Garcia-Molina. Gerald narrates, "May mga times na masakit at nakakahiya pero mamahalin mo siya talaga. Tatanungin niya, 'Gerald, anong klaseng acting 'yan?' Ako kasi, kilala mo ako, ang isasagot ko, 'Inutil na acting po, Direk.'"


Hindi kinontra nina Pia Wurtzbach at Gerald Anderson ang mga rebelasyon ng direktor na si Cathy Garcia-Molina tungkol sa pananapak nito sa kanilang mga ego at pagkatao nang gawin nila ang pelikulang My Perfect You.

Sina Pia at Gerald ang mga bida sa bagong romcom movie ng Star Cinema na nagtanghal ng kanilang prescon kaninang hapon, March 10.

Hindi itinanggi ni Pia ang sinabi ni Molina na mataba siya noong una silang nagkita.

“Totoo naman, e.

“Kasi galing ako sa bakasyon noon, so nung una niya akong makita, mataba talaga ako.

“Tanggap ko, saka yun ang lagi kong sinasabi din sa set, na parang ang taba ko.

“Pero ano ko na rin ‘yon, insecurity ko everyday of my life kasi ganoon talaga kapag beauty queen, lahat napapansin mo sa sarili mo,” sagot ni Pia na tanggap na tanggap ang mga kritisismo ni Molina.

LEARNING EXPERIENCE. Handang-handa naman daw si Gerald na makatrabaho si Direk Cathy kahit na may mga narinig na siya tungkol sa ng direktor na nakilala sa kanyang pagiging pranka.

“Naririnig ko kung paanong mag-direct si Direk Cathy.

“Simula pa lang, day one pa lang, sobrang ano na ako... open na ako.

“Kung anuman ang mangyari, kung ano ang sasabihin, tatanggapin ko.

“Accept it, use it sa tamang paraan, gawing motivation, pero kasi alam mong...

“Ang feeling ko, hindi po magiging ganoon kaganda yung performance ko, yung ginawa ko, kung hindi si Direk Cathy yung nag-direct ng movie na 'to,” pag-amin ni Gerald sa mga naging karanasan niya sa beteranang direktor.

“Sobra!” sagot ni Gerald nang tanungin kung first time niya na maka-encounter ng isang direktor na masakit magsalita.

“Masakit pero minsan, sasabihin pa niya sa mic, 'tapos ang dami pang tao.

“Minsan nga, nagdarasal ako, sana wala siyang sasabihin.

“Sana, ipapatawag na lang niya ako but ganoon siya talaga, nakita niyo kanina, ganoon siya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga times na masakit at nakakahiya pero mamahalin mo siya talaga.

“Tatanungin niya, 'Gerald, anong klaseng acting ‘yan?'

“Ako kasi, kilala mo ako, ang isasagot ko, 'Inutil na acting po, Direk.'

“Alam ko na e, pero ganoon siya talaga, totoong tao siya.

“Kung hindi mo siya kilala, napadaan ka lang sa set at narinig mo ‘yon, ma-o-offend ka.

“Pero alam ko naman na ginagawa niya ‘yon sa tamang paraan para ma-motivate kaming lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN