Ryza Cenon wins Yakushi Pearl Award at Osaka Asian Film Festival 2018

by Jojo Gabinete
Mar 18, 2018
Ryza Cenon (right) was awarded the Yakushi Pearl Award at the Osaka Asian Film Festival 2018. She won for her performance on Mr. & Mrs. Cruz, directed by Sigrid Andrea Bernardo (left).

May kapalit na maganda para kay Ryza Cenon ang pagwawakas ng Ika-6 Na Utos, ang top-rating afternoon drama series ng GMA-7, dahil siya ang nanalong Best Actress sa awarding ceremony ng Osaka Asian Film Festival 2018 na ginanap sa Osaka, Japan, kahapon, March 17.

Nagwagi si Ryza para sa performance niya sa Mr. & Mrs. Cruz, ang pelikula ng Viva Films na pinagbidahan nila ni JC Santos at ipinalabas sa local theaters noong January 24, 2018.

Personal na tinanggap ni Ryza ang Yakushi Pearl Award na katumbas ng Most Brilliant Performer Award.


Continue reading below ↓

Si Ryza ang pangalawang Filipina actress na nanalong Best Actress sa Osaka Asian Film Festival dahil noong nakaraang taon, si Iza Calzado ang recipient ng Yakushi Pearl Award para sa acting niya sa Bliss.

Hindi lamang si Ryza ang binigyan ng parangal sa Osaka Asian Film Festival 2018.

Tumanggap ng Most Promising Talent Award si Mikhael Red, ang direktor ng NeoManila.


Continue reading below ↓

Ryza Cenon (right) with Mr. & Mrs. Cruz director Sigrid Andrea Bernardo

Kasama sa Philippine delegates sa Osaka Asian Film Festival 2018 sina Ryza, MTRCB Chair Rachel Arenas, MTRCB board member Joey Romero, FDCP Chair Liza Diño, Mr. & Mrs. Cruz director Sigrid Andrea Bernardo, at sina Eula Valdes at Rocky Salumbides, ang mga artista ng NeoManila.

Kasama rin ni Ryza ang kanyang boyfriend na si Cholo Barretto.


Continue reading below ↓

Nagsimula noong March 9 at magtatapos ngayong Sabado, March 18, ang Osaka Asian Film Festival 2018.

Read Next
Read More Stories About
Best Actress
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon (right) was awarded the Yakushi Pearl Award at the Osaka Asian Film Festival 2018. She won for her performance on Mr. & Mrs. Cruz, directed by Sigrid Andrea Bernardo (left).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results