Here's why James and Nadine's fans spent almost P150,000 for their idols

IMAGE Noel Orsal


Buong-buo ang suporta ng Jadine fans sa love team nina James Reid at Nadine Lustre, on cam and off cam. Napatunayan ito ng staff and crew ng Viva Films sa filming ng Never Not Love You.

Isang eyewitness ang nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagulat na lamang sila nang i-deliver sa shooting ng Never Not Love You sa Ninoy Aquino International Airport ang kahon-kahon na pizza na ipinadala ng mga supporters ng Jadine.

Sa last day shoot ng Never Not Love You noong March 5, ang Viva Films associate producer na si Hermie Go ang personal na nakasaksi sa generosity at matinding suporta ng JaDine fans kina James at Nadine.

Si Go ay sumikat para sa kanyang karakter sa viral video na tinaguriang "Nasaan si Aling Vicky."

Kuwento ng associate producer:

“Sa Timog area ang shooting namin noon. Nang dumating ako sa set, ang catering ng Viva ang hinanap ko pero hindi ko nakita.

“Naloka ako dahil may ibang catering na may anim na putahe na ipinadala ng Jadine fans.

“May lechon pa, dessert, cake, para sa 200 persons. Para sa buong crew. E, magkano ang per head? Sa tingin ko, hindi bababa sa P150,000 ang ginastos nila. Talagang may budget sila.

“Nanood sila ng Revolution concert nina James at Nadine noong February 9. Tanungin mo kung magkano ang ticket na binili nila, 10K each! Talagang gumagastos sila at masyosyonda [matanda] na yung iba.Wow, yayamanin!” ang hindi makapaniwala na kuwento ni Go.

Sa Black Saturday, March 31, ang playdate sa cinemas nationwide ng Never Not Love You at ayon kay Go, may schedule na ng mga block screenings ang fans ng Jadine sa Florida, Qatar, Canada, San Francisco, at sa ibang panig ng mundo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN