Soliman Cruz: "Sa edad ko ngayon, nagkaroon ako ng bed scene. Dalawa pa!"

IMAGE Mark Atienza (right frame)


Nahirapan si Soliman Cruz sa mga karakter na ginampanan niya sa dalawang pelikula niya sa Cine Filipino Film Festival 2018.

Sa Hitboy, ginampanan niya ang lider ng isang grupo na nagbibigay ng mga hitmen para sa mga kliyente.

“Mahirap lang dahil mataas ang sapatos ko. Tapos, nagsimula kami nang hapon hanggang madaling-araw, palakad-lakad ako.

“Ahhmm, sinaksakan ako, nilagyan ako ng pustiso. Ahh, iniba yung itsura ko.

“Tapos, kasama ko yung anak ko. Sabi niya, ‘Tay, bagay na bagay sa ‘yo!’

“Tapos, meron akong mga... mga alahas, oo. Sabi nila, ang ka-peg daw nila, Narcos.

“Sabi ko, ahhh, Narcos... Ano, eh, nag-enjoy ako! Yung hirap, sa paa lang, e. Saka yung... paghawak ng baril. Yun."

Ang Narcos ay Hollywood crime drama series tungkol sa Colombian drug lord na si Pablo Escobar. Pinapalabas ito sa isang streaming site.

Pagpapatuloy ni Soliman, “Tapos, masaya ako dahil yung aking dating kasama sa theater company na kaeksena ko, si Paolo O’Hara.

“Tapos, nakaeksena ko si Rosanna Roces, at isa pang magaling na aktor, kaya masaya ako,” lahad ni Soliman sa open forum ng Cine Filipino 2018 presscon nitong April 24 sa Gloria Maris restaurant, Gateway Mall, Araneta Center, Cubao, QC.

Sabi naman niya tungkol sa isa pa niyang entry na I Love You With All My Hypothalamus, “Doon ako nahirapan. Kasi, sa edad ko ngayon, nagkaroon ako ng bed scene.

“Dalawa pa!” natatawang bulalas ng 55-anyos na aktor.

Pagpapatuloy ni Soliman, “E, medyo... ano... kilala ko pa yung nanay ng kaeksena ko!

“Medyo, sabi ko nga... masyadong... preparation kung paano ... kaya gano’n.

“Sana, pag napanood ng nanay niya, mapatawad ako!”

Matapos ang open forum, inusisa namin si Soliman king sino ang ka-bed scene niya.

“Malalaman niyo na lang. Hindi pwedeng i-reveal,” sambit ni Soliman.

“Strategy ‘yon ng pelikula. Hindi pwedeng i-reveal.”

Pangalawang pagkakataon ito na makipag-bed scene siya sa pelikula. Kahit kilala siya bilang magaling na aktor sa teatro, pelikula at telebisyon, hindi siya komportable na makipaglampungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinimbang-timbang ng aktor ang katwiran, “Kasi, ano na, e... Mahirap dahil pagtatalik yun. Iba yung merong kasamang....

“Ewan ko kung paano ko sasabihin, hindi ako... komportable.

Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ako komportable.

“Kung kailan pa lumaki yung tiyan ko, saka pa ako nagka-love scene.”

Ang katabi namin sa interbyu na si Ronald Rafer ay sumingit ng tanong, “Hindi ka ba tinablan sa love scene?”

Nakangiti pa ring tugon ni Soliman, “Tinablan? Ahh, wala naman. Wala naman.”

Follow-up question ni Ronald, “Napigilan mo?”

“Hindi. Wala. Wala lang,” matamang sabi ng aktor.

Mahirap lang talaga sa kanya...

“Ano lang, visual lang kasi ‘yon, e,” pakli ni Soliman.

“So, yung emotion, maaaring hindi naman... hindi naman... hindi naman... visual lang ang kailangan.”



Stories We Are Tracking

What to expect from Cine Filipino 2018
What to expect from Cine Filipino 2018






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN