Does Vice Ganda support Coco Martin's team-up with Vic Sotto for MMFF 2018?

IMAGE Allan Sancon (right frame)

Vice Ganda reveals he and good friend Coco Martin used to dream of becoming their generation's FPJ and Dolphy, the original Action and Comedy Kings. He said, "Noon pa namin napag-uusapan yun, nung nagsisimula pa lang kami. Sabi naming dalawa, 'Sana eventually maging FPJ ka tapos ako maging Dolphy.'"



Ang ina na at doktorang kapatid ni Vice Ganda ang tumanggap ng kanyang Dolphy King of Comedy Award sa nakaraang 66th FAMAS Awards Night.

Marami ang naghintay sa pagdalo ni Vice Ganda pero hindi ito nakarating sa Gabi ng Parangal. 

Si Mrs. Rosario Viceral at si Dra. Tina Viceral ang naging mga proxy ng TV host-comedian.

Ayon kay Vice, bukod sa may natanguan na siyang ibang commitment nang gabing iyon ay gusto niya talaga na ang ina ang tumanggap ng kaniyang tropeo.

Aniya, “May ginagawa ako na naunahan na kasi ako ng kumpromiso nun.

"Actually bago pa ako may gawin, gusto kong paakyatin ang Nanay ko. Gusto kong pa-experience sa kanya yun, kasi pride niya yun, e.

"Masaya ako sa award na yun pero mas magiging masaya ang Nanay ko. Gusto ko siya ang unang makahawak nung trophy.

“Masayang-masaya siya, sabi nga niya dun sa speech, 'This award makes me the happiest and the proudest Nanay.'”

Nakausap ng sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Vice noong June 13 sa set ng It’s Showtime. 

Naging kontrobersyal ang pagkakapili kay Vice bilang kauna-unahang recipient ng Dolphy King of Comedy Award, dahil may ilang kumuwestiyon dito. Dinepensahan naman ng anak ni Dolphy na si Epy Quizon si Vice, at nagbigay ito ng pahayag na naniniwala siyang deserving ang TV host sa nasabing award.


Stories We Are Tracking

Epy Quizon puzzled by issue on Dolphy award given Vice Ganda
Epy Quizon puzzled by issue on Dolphy award given Vice Ganda

Nagpapasalamat naman si Vice sa pagpili sa kanya.

Aniya, “Nagpapasalamat ako sa buong pamilya ng nag-iisang King of Comedy, Dolphy, maraming salamat sa mga Quizons kasi personal pick nila ako.

"Pati na rin yung FAMAS kasi unanonimous daw yung votes sabi nila, kaya nakaka-flatter. Maraming salamat po.”

DREAM COME TRUE. Isa rin sa dumepensa kay Vice ay ang kaibigang si Coco Martin, na pinarangalan naman ng FAMAS ng FPJ Memorial Award para sa pelikulang Ang Panday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Vice, “Alam mo noon pa namin napag-uusapan yun, nung nagsisimula pa lang kami.

"Sabi naming dalawa, 'Sana eventually maging FPJ [Fernando Poe Jr.] ka tapos ako maging Dolphy.'

"Pinag-usapan namin yun noon pa, sabi ko, 'Dapat ikaw ang maging FPJ,' sabi niya naman, 'Ikaw naman si Dolphy' sa panahon namin.

“Naa-achieve namin yung pinangarap naming dalawa ni Denden," pagtukoy ni Vice sa palayaw niya kay Coco.

Mensahe pa ni Vice sa kaibigan: "'Denden, congratulations. I love you and deserve na deserve mo din 'yan.'"

Sa interview namin kay Coco ay kinumpirma nito na magsasama nga sila ni Vic Sotto sa isang entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Sumang-ayon naman si Vice sa sinabi ni Coco na hindi sila para magkumpetensiya sa MMFF, kundi dapat ay magtulungan para magbigay-saya sa mga manonood sa darating na Pasko.

Paliwanag niya, “Wala, pareho kaming may pangarap ni Coco, sabay naming naa-achieve ang mga pangarap namin sa buhay.

"Nagtutulungan kaming dalawa, ever since nagtutulungan kaming dalawa.

"Hindi namin kailangang magsama para magsanib-puwersa at maging isa lang ang intensyon namin, kaya suportadong-suportado ko si Coco Martin at alam kong ganun din siya sa akin."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN