James Reid-starrer Pedro Penduko shows different folklore

by Arniel C. Serato
Jun 19, 2018
Dinepensahan ng direktor ng Pedro Penduko ang ilang kritisismo tungkol kay James Reid na gaganap na bida sa kanyang pelikula. Ito ay may estimated budget na PHP100M.

Balik-training ng Muay Thai si James Reid para sa nalalapit nitong pagganap bilang makabagong Pedro Penduko sa pelikula na hatid ng Epik Studios, Viva Entertainment, at Cignal TV.

Kuwento pa ng 25-year-old ABS-CBN star, “I have to get back into the training because I want to be legitimate.

“I want the fans to see the fighting scenes to be me, I don’t want to use doubles. So, it's very intense actually, the training.

“I was doing Muay Thai, Filipino martial arts.”

Kuwento pa ng aktor, gusto talaga niyang maging pulido ang kanyang pag-arte sa pelikula para sa kanyang mga fans at sa mga tagahanga na rin ng sikat na Pinoy superhero.

Saad pa niya, “Super honored to be playing a Filipino superhero. I will try my best to deliver.”

Makakatuwang ng production ang Marvel at Netflix sa paggawa ng effects para sa pelikula na may tinatayang budget na humigit kumulang sa PHP100M.

Continue reading below ↓

Nakatakda itong mapapanood sa fourth quarter ng 2018.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa launching ng pelikula noong Huwebes, June 14, sa Cignal Headquarters, Mandaluyong City.

AMERICAN PEDRO PENDUKO? Nasanay ang mga Filipino na Pinoy ang gumaganap sa karakter ni Pedro Penduko sa telebisyon man o pelikula.

Ilan sa mga naunang gumanap na Pedro Penduko ay sina Efren Reyes Sr., Ramon Zamora, Janno Gibbs, at Matt Evans.

Kaya naman may mga puna ang ilan dahil si James ay isang Filipino-Australian.

Kuwento naman ni James, “It’s difficult to understand if you haven’t seen the movie yet.

“But you will see in the movie how Pedro Penduko, my character really… to really rediscover himself.

“This folklore is different. More of like a power that is handed down differently.”

Depensa naman ng director ng pelikula na si Treb Monteras, kailangan daw ibagay sa kasalukuyang henerasyon ang movie.

Continue reading below ↓


(Pedro Penduko director Treb Monteras)

Sabi pa niya, “Definitely, because we need to adopt. Kailangan maka-relate yung audience natin.

“Kapag sinabi nating makabago, definitely, bata, mas bata yung target [audience] niya.

“Pedro Penduko, not born in the Philippines kasi for this version.

“Kung mababasa niyo yung komiks, galing silang New York so kapag tinatanong nga nila di ba masyadong di bagay kasi si James kasi hindi marunong mag-Tagalog… sobrang guwapo, but sobrang bagay sa kanya nung role kasi nga yung Pedro Penduko natin for this movie, galing siya ng States talaga.”

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dinepensahan ng direktor ng Pedro Penduko ang ilang kritisismo tungkol kay James Reid na gaganap na bida sa kanyang pelikula. Ito ay may estimated budget na PHP100M.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results