Stars of Cinemalaya entry The Lookout basically nude for the entire time

Director Afi Africa is still contemplating if he will show frontal nudity of the main stars of his Cinemalaya 2018 entry The Lookout.



Matipid sa costume ang tatlong bida sa Cinemalaya 2018 entry na The Lookout.

Ayon sa direktor na si Afi Africa, hubad sa maraming eksena sina Andres Vasquez, Jay Garcia, at Elle Ramirez.

“Halos buong movie, hubad sila. Not to titillate the audience but to express something,” sabi ni Direk Afi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Hunyo 29, Biyernes.

Hubad as in topless?

“Hubad as in nude,” paglilinaw ni Direk.

Frontal?

“Pinag-iisipan ko pa po kung ipapakita ko ang frontal... masyado pong marami, e.”

Madali ba niyang na-motivate ang kanyang mga bida para magtanggal ng saplot? Kumusta ang shooting ng mga maseselang eksena?

“Ang tagal po bago ako nag-shoot,” tugon ni Direk Afi.

“Kasi, need ko pong i-condition ang mga artista at ipaliwanag ang logic ng bawat eksena at kung paano ko po gagawin ang shots.

“Matagal na pre-production po at usapan. Hanggang sa mahanap ko po ang mga tamang artista sa project.

“Bawat hubad po dito, revelation ng katauhan ng bida.

"This is a very painful movie po."

Si Andres Vazquez ay nagkaroon na ng butt exposure sa dulang Solo Para Adultos na itinanghal sa Music Museum noong Oktubre 20, 2017 at Pebrero 10, 2018.

Nagkaroon sila ng intimate scene ni Prince Stefan sa pelikulang Working Beks (2016).

Si Elle Ramirez ay pa-tweetums noon sa Kapuso shows. Naging bahagi siya ng mga shows tulad ng Alyas Robin Hood (2016), Pinulot ka lang sa lupa (2017), at Mulawin vs Ravena (2017).

Si Jay Garcia ay model. Isang taon pa lang siya sa industriya.

Nasa cast din ng The Lookout sina Yayo Aguila, Rez Cortez, Efren Reyes, Jeffrey Santos, Benedict Campos, Aries Go, Lharby Policarpio, at Jemina Sy.

Narito ang synopsis ng The Lookout, base sa release mula sa Cinemalaya:

"Survival of the fittest. This is the truth in a world we all live in. Every person has his own story to tell and how they face life's challenges that some call Hell.

"This is the story of George, a victim of child trafficking at the tender age of seven. His mother sold him and his sibling to a syndicate in order to meet the financial demands of her live-in partner. George vows to return to his mother and her boyfriend to make them pay for what they did." 



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN