MMFF 2018 Selection Committee head Bienvenido Lumbera believes first four entries are certified crowd-drawers

IMAGE Rommel Gonzales

National Artist for Literature and MMFF 2018 Selection Committee Head Bienvenido Lumbera on the recently-announced first four entries for the Metro Manila Film Festival 2018: "So, ang apat na pelikula, inaasahan na doon sa apat na iyon, magiging matagumpay ang festival sa pag-akit sa manonood."


Kahapon, June 29, ay inihayag na ang unang apat na kasali bilang entries sa Metro Manila Film Festival sa December.

Mula sa dalawampu’t apat na scripts ay apat ang nakapasa at ang mga ito ay ang:

AURORA
Director: Yam Laranas
Starring: Anne Curtis
Producer: VIVA Films

FANTASTICA: THE PRINCESS, THE PRINCE, AND THE PERYA
Director: Barry Gonzalez
Starring: Vice Ganda, Maris Racal, Loisa Andalio, Maymay Entrata
Producer: Star Cinema and VIVA Films

GIRL IN THE ORANGE DRESS
Director: Jay Abello
Starring: Jessy Mendiola, Jericho Rosales
Producer: Quantum and MJM Films

POPO EN JACK, THE PULISCREDIBLES
Director: Rodel Nacianceno
Starring: Vic Sotto, Coco Martin
Producer: MZet, APT and CCM Productions

Ang announcement ay ginanap sa MMDA Head Office sa Orense St., Guadalupe, Makati City sa pamamagitan ng Selection Committee na pinangungunahan ng National Artist For Literature na si Ginoong Bienvenido Lumbera.

GUARANTEED CROWD-DRAWERS. Matapos ang opisyal na paghahayag ay personal na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ginoong Lumbera tungkol sa personal niyang pananaw, at kung bakit nagustuhan niya ang apat na entries.

Sabi niya, “Unang-una, para sa akin yung Aurora at saka yung Girl In The Orange Dress ang pinakamahusay sa puntong nakatutuwa ang takbo ng naratibo at saka may makabuluhang nilalaman ang script.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga entries na pelikulang tampok sina Vice Ganda at Vic Sotto at Coco Martin?

“Siyempre, si Vice Ganda ay garantisado nang makakaakit sa maraming manonood, ganun din sina Vic Sotto.

“So, ang apat na pelikula, inaasahan na doon sa apat na iyon, magiging matagumpay ang festival sa pag-akit sa manonood,” dagdag niya.

CRITERIA. Tinanong naman namin si Ginoong Lumbera kung ano ang para sa kanya ang pinakamahirap na bahagi sa pagpili ng mga official entries?

“Iyon, ang pagtiyak sa iyong sarili bilang member ng Selection Committee na itong script na ito ay makabuluhan, maganda ang pagkakasulat, at maasahang hahakot ng mga manonood.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba pinakamahirap na parte ang isa-isang pagbabasa ng dalawampu’t apat na scripts?

“Yes. Bale one script a day,” tugon ni Ginoong Lumbera.

Ito ang dahilan kung bakit halos isang buwan din ang ginugol niya kasama ang buong MMFF Selection Committee sa pagbabasa ng mga entries.

BIO FLICK. At dahil tungkol sa pelikula ang usapan at isa siyang National Artist, tinanong naman namin siya: papayag ba siya kung sakaling gagawing pelikula ang buhay niya?

“Hindi magiging box-office hit yun,” ang natatawang sagot ni Ginoong Lumbera.

Malamang na humakot din ng awards kapag isinapelikula ang kanyang buhay.

Wala pa raw nag-aalok. Pero kung sakali ba ay papayag nga ba siya?

“Well, bakit hindi?

“Papayag ako, pero iyon ang sinasabi ko, na ang buhay ko ay hindi material for a movie.”

Pero National Artist siya.

“Oo nga, pero National Artist, ano siya, sulat siya nang sulat,” at muli siyang tumawa.

Kung sakali ngang papayag siyang isalin sa pelikula ang buhay niya, sinong aktor ang pipiliin niyang gumanap bilang Bienvenido Lumbera?

Muli siyang tumawa bago sumagot, “Depende iyon sa production company.

“Kasi sila yung nakakaalam kung sino sa kanilang mga artista ang magiging successful sa paglalarawan sa akin.”

Kahit sino raw ang mapili ay papayag siya.

“Oo, puwede na.”

Ang susunod na apat na MMFF entries ay iaanunsiyo naman sa September 21.

Ang deadline ng submission naman para sa mga scripts para sa Short Film Category ay August 31.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN