Wendell Ramos plays a gay character in "Happy Hearts"


Instead of baring his muscled body, Wendell Ramos taps into his feminine side to portray the role of a homosexual in Happy Hearts.


Aminado si Wendell Ramos na nahirapan siya sa kanyang pagganap bilang bading sa pelikulang Happy Hearts. Sa nasabing pelikula, love interest ni Wendell si Rustom Padilla. Ayon sa kanya, siya raw ang mas girl sa kanilang dalawa ni Rustom.

Ginawa ni Wendell ang pag-amin na ito noong February 3 sa concert ni Ara Mina na ginanap sa Araneta Coliseum. Kwento ni Wendell sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Dito sa movie, akala ko madali pero medyo difficult din for my part, my side. Parang hindi ka nagpapatawa e unlike dito sa mga gag shows na gay ka, bading ka pero nagpapatawa ka. Mas malandi ako sa kanya [Rustom] dito. Ako yung mas pa-girl, mas malandi."

Upang kanyang magampanan nang husto ang kanyang role, kumonsulta si Wendell sa mga kaibigan tulad nina Teri Onor at Allan K lalo pa't stand up comedian ang papel ni Wendell sa Happy Hearts. Aniya, "Pati yung mga words na ginagamit ng mga bading sa show nila, ganun ginagawa ko. Nakatulong yung mga pinapanood kong stand up comedian."

Sinusubukan rin ng Bubble Gang mainstay na umasta siyang bading bago pa man siya makarating sa set ng Happy Hearts. Ani Wendell, "Kahit hindi pa nagte-tape, uma-arte na akong bading kasi kailangan pagdating dun, bading na ako."

Tinanong din ng PEP kung maituturing na niya itong pinakamahirap na papel na nagampanan niya. Ayon sa miyembro ng all-male dance group na Sex Balls, "Isa na siguro. Pero hindi pa e. Like sinabi ko, hindi nga ganung ka-bigat sa akin. Naging very strict lang dun sa pagpapatawa pero sa pag-portray ng gay role, hindi naman ganung kabigat sa akin.

"Mas meron pa akong nagawang mas mabibigat talaga. Challenging sa akin was yung Sabel e. Yun yung isa sa challenging talaga sa akin." Sa pelikulang Sabel noong 2004, nakatambal ni Wendell si Judy Ann Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SCENES TO LOOK FORWARD TO. Sa Happy Hearts, pinakanahirapan si Wendell sa bahaging kailangan niyang magpaka-senti. Kwento niya, "Yung umiiyak ako. Mayrong part dun na nag-away kami ni Rustom and then pinalayas niya ako. So mamo-moment ako ngayon na nasasaktan ako. Parang nahirapan akong mag-internalize."

"Eto ang mahirap e. Yung nagpapatawa ka, so hindi mo talaga makuha yung seryosong emotion na hinihingi ng character mo. Kung lalake akong inapi ako, pupuwede ako. E bading ka, hindi mo alam kung papaano [ipo-portray] yun. Eto bading talaga ako na inapi ako na hindi mo alam na light lang dapat."

Para sa kanya, pinaka-nakakatawa namang eksena niya ang biglang pag-asta nang macho nang dumating ang anak ni Rustom na si Rayver Cruz.

ON CO-ACTORS. Nabanggit din ni Wendell ang kanyang mga naka-trabaho sa set ng Happy Hearts. Una na dito, ang "leading man" niyang si Rustom. Natatawa si Wendell habang nagku-kwento, "Parang nagshe-share-an kami ng mga kalandian. Very open din siya na [sasabihin pa niya] ‘Tingin ko, Wendell, ganito yung mas okay na pag nagpa-girl ka ganyan.'"

Maganda rin ang naging working relationship ni Wendell sa batang actor na si Rayver. Ani Wendell, "Si Raiver steady. Makulit lang yun pero mabait na bata yun kasi ma-respeto. Yun yung sinasabi ko sa kanya na keep it up. Humble lang. Ganun lang, malayo yung mararating nung bata. Magaling umarte."

Ang Happy Hearts ay tungkol sa isang batang lalaki (Rayver) na malalaman ang katotohanan na ang ama niyang isang university professor (Rustom) ay isa palang bakla at nakikisama na sa kanyang gay live in partner (Wendell). Lalong gumulo ang buhay ng batang lalaki nang dumating ang kanyang nanay (Jean Garcia) upang maghanap ng bagong asawa sa Maynila. Sa kabila ng mga problemang ito, mai-in love ang bida sa anak ng may-ari ng universidad (Shaina Magdayao) ngunit engaged na ito sa isang mayamang lalaki (Alwyn Uytingco).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Regal Entertainment movie na ito ay ginawa sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN