Veteran actress Perla Bautista wishes her Cinemalaya 2018 film entry will win Best Picture award

IMAGE Noel Orsal

Hindi umaasa si Perla Bautista ng award para sa kanya kundi ang gusto niya ay mapunta sa kanilang pelikulang Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon ang Best Picture award dahil magaling daw ang namamahala sa production. 


Sold-out ang gala night ng Cinemalaya 2018 entry na Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon na pinagbibidahan nina Perla Bautista, Menggie Cobarrubias, at Romnick Sarmenta noong Huwebes, August 8.

Ginanap ang gala night sa Tanghalang Nicanor Abelardo sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Pasay City.

Ginawaran ng audience ng standing ovation ang pelikula.


Bago pa man ang pagpapalabas, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Perla, Menggie, at Romnick.

Ayon sa beteranang aktres, kinakabahan daw siya dahil noong gabing yun lamang niya mapapanood ang kabuuan ng pelikula.

Umaasa naman siya ng award para sa pelikula pero hindi mismo para sa kanya.


Saad pa niya, “Yung pelikula maganda yung pagka-istorya, e. Magaling yung director, maganda ang cinematography, magaling ang script, Best Picture na lang sana.

“Kami regular lang, e, ang magaling mag-istorya sila.”

Ayon naman kay Menggie, sana daw may matutunan ang mga tao sa kanilang entry. 


Umaasa naman si Romnick na may maidulot na kaunting saya ang kanilang pelikula sa mga tao.


Sabi pa niya, “Ako honestly, sana ma-appreciate ng mga manonood. Sana tumawid, sana makapagbigay ng panandaliang aliw sa kanila. 

"Saka, mawala sa isip nila pansamantala yung mga suliranin nila.”

Showing pa ang mga Cinemalaya 2018 entries sa CCP at sa Ayala Malls cinemas hanggang August 12.

Sa August 12 din ng gabi gaganapin ang awards night CCP Main Theater.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN