John "Sweet" Lapus starts shooting directorial movie debut

by Ruel J. Mendoza
Aug 11, 2018
Comedian-turned-director John "Sweet" Lapus (left) on the set of Pang MMK, his very first directorial movie project targeted for this year's Cinema One Originals. The film stars Cherry Pie Picache, Joel Torre, Nikki Valdez and Neil Coleta in the lead role.

Nakapag-first shooting day na para sa kanyang directorial debut ang TV and film comedian na si John "Sweet" Lapus noong nakaraang August 1.

Pang MMK ang titulo ng pelikulang dinidirek ni Sweet na isa sa official entries ng Cinema One Originals 2018.

Sa kanyang Instagram account, pinost ni Sweet ang mga kaganapan sa first shooting day niya:

Hindi naman daw mawawala ang tensyon kay Sweet dahil malaking challenge daw sa kanyang career ang maging isang director.

“Lahat ng ibang entries nag-start na. Thank God nakakahabol ako.

“Super-exciting when you're doing something new.

“Nakakapagod at nakaka-tense, pero gusto ko 'ung natsa-challenge ako.

“Kaya fight lang tayo para sa ekonomiya!" pahayag ni Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panayam namin sa kanya via Facebook Direct Messaging noong nakaraang August 6.

STORY

Ayon kay Sweet, ang kuwento ng Pang MMK ay continuation ng isang episode ng top-rating ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya na may titulong "Origami."

Umere ito nitong noong January 1999, at pinagbidahan ito nina Alwyn Uytingco, Nikki Valdez, Cherry Pie Picache at Joel Torre.

Kuwento niya, “Its about the struggle of a family when the father of the house abandoned them.

“Now, after 20 years, Pang MMK will take off when the father died.

“The remaining legal family especially the son, nabigyan bigla ng responsibilidad to take care of his estranged father’s funeral.”

IMPRESSIVE CAST

Natuwa si Sweet na ang tatlo sa original cast ang nag-reprise ng kanilang roles sa Pang MMK.

“Ang bongga kasi after 20 years, babalik ang cast, pero this time ay movie na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Cherry Pie Picache and Joel Torre will still play the parents and Nikki Valdez is the eldest daughter.

“Dagdag din sa cast ko si Ricky Davao in a very offbeat role.

“Hindi na puwede bumalik as lead si Alwyn Uytingco kasi bida na siya sa isang entry din ng Cinema One Originals 2018.

“Naka-commit na siya doon since pumalit lang naman ako sa nag-backout last July lang,” pagbunyag ni Sweet.

SUBSTITUTE LEAD ACTOR

Ang TV/film/commercial actor na si Neil Coleta ang napiling kapalit ni Alwyn sa role nito sa Pang MKK.

“Neil Coleta will play the lead as the legitimate son.

“Gaganap naman niyang best friend sa movie si Zeppi Borromeo.

“Napakahusay ni Neil! I'm so happy na pumayag siya na ako ang magdirek ng first lead role niya sa movie.

“It's his time to shine!

“Napaka-professional. Iyak, tawa, hubad at bed scene ginawa niya lahat!

“Kaya abangan nila dahil ibang-ibang Neil Coleta ang mapapanood nila!” paniniguro pa ni Sweet.

SPECIAL APPEARANCE

Masaya ring ini-reveal ni Sweet na may special appearance ang host ng MMK (Maalaala Mo Kaya) na si Ms. Charo Santos-Concio.

Lahad niya, “Yes, may apoearance ang nag-iisang Ms. Charo Santos-Concio!

“Salamat sa Diyos at nagustuhan niya ang script ko.

“Siya mismo nagsabi sa akin sa taping namin ng Since I Found You last week.

“I'm just so happy na ang ganda ng cast ko. Magagaling lahat.

“Wala akong masabi.

“Parang hindi ako makapaniwala na this is it, may dinidirek na akong movie,” diin pa ni Sweet.

ORIGINAL THEME SONG

Pinagmalaki rin ni Sweet na siya rin ang sumulat ng lyrics para sa original theme song para sa Pang MMK.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Napakamahal kasi ng copyright ng kantang Maalaala Mo Kaya.

“Kaya naisipan kong magsulat na lang din ng lyrics para original ang theme song ng movie namin.

“Blank Tape will do the music at isang espesyal na kaibigan ang pumayag na kumanta nito,” pagtatapos ni Direk Sweet.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian-turned-director John "Sweet" Lapus (left) on the set of Pang MMK, his very first directorial movie project targeted for this year's Cinema One Originals. The film stars Cherry Pie Picache, Joel Torre, Nikki Valdez and Neil Coleta in the lead role.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results