(UPDATED) Top grossers of Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 revealed

by Gorgy Rula
Aug 23, 2018
The top grossers were (L-R) The Day After Valentine's, Unli Life, and Ang Babaeng Allergic sa Wifi, according to the FDCP.


Sa pagtatapos ng Pista ng Pelikulang Pilipino kahapon, August 21, ibinahagi ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na umabot ng mahigit PHP100 million pesos ang kinita ng walong pelikulang kalahok.

UPDATE: Ang total na kinita ng PPP 2018 entries ay PHP 122 million.

“It’s good, but it’s lower than we expected,” pag-amin ni FDCP Chairperson Liza Dino nang nakapanayam ito sa radio program ng DZRH na Showbiz Talk Ganern kagabi.

“Kumbaga, siyempre may mga targets tayong gusto natin ma-achieve, and I guess a lot of factors that we should be considering, di ba?

“Kasi ngayon, I’m very very confident of all our films, ang gaganda ng reviews, well promoted naman siya, ang dami naming support na nakuha this year,” dagdag niyang pahayag.

Tingin daw niya na isa sa mga dahilan ay ang mataas na presyo ng ticket sa sinehan.

“Ang isa sa na-overlook namin siguro ay price. Ang presyo ng tiket sa sinehan, baka nakaapekto yun,” pag-amin ni Ms. Dino.

Sa kabila nito, tiniyak ng FDCP Chairperson na meron pa ring PPP sa susunod na taon.

“I confidently say that there will be a PPP 2019.

“Nakiisa naman ang mga sinehan at ang ating mga stakeholders na at the end of the day, this is still a very good platform to our Filipino audience to watch all these beautiful films, ang mga pelikula natin na kakaiba.

“Tuloy lang natin, and I hope na sana ang mga audience natin ang mga manonood.

Kayo po ang susi para talagang maging successful ang mga ginagawa nating ganito. Tuloy lang po nating i-encourage na manood ng pelikulang Pilipino,” saad ni Liza Dino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nitong pangalawang PPP, ang isa raw sa napagtanto nila ay ang adjustment sa presyo ng ticket sa sinehan dahil mga estudyante raw ang karamihang manonood.

“Ang PPP talaga pang-estudyante...millennials, e, from 15 to 24 ang pinakamalaking audience niya.

“So, the price is really a factor. We have to make sure that hindi lang isang pelikula ang panoorin nila kundi lahat na pelikulang sa PPP, and we really can do that kung lahat na presyo ay puwede sa kanila,” tugon niya.

“We really have to understand and get data kung sino yung audience na nanonood ng PPP. Para ma-strategize natin...from pricing to the kind of films.

“Kailangan meron din tayong pelikulang pambata kasi kulang tayo ng ano...pag weekend siyempre pami-pamilya ang pumupunta sa sinehan. Wala din tayong pang-kids na film.

“Kulang din tayo ng horror this year, sana magkaroon tayo ng iba’t-ibang genre na ipalabas,” sabi pa ni Liza.

Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Liza ng figures ng kinita ng bawat pelikula, pero kailangan pa raw niyang humingi ng permiso sa mga producers para ibigay ang eksaktong figures.

Sabi lang niya, ang pelikulang The Day After Valentine’s ang nanguna sa takilya, at sinundan ng Unli Life. Pumangatlo raw ang Ang Babaeng Allergic sa Wifi, at sumunod ang We Will Not Die Tonight at naglaban daw sa panglimang puwesto ang Bakwit Boys at Signal Rock, pampito ang Pinay Beauty, at sumunod ang Madilim ang Gabi.

Narito ang ranking ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 entries ayon sa box-office gross:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


1. The Day After Valentine’s

2. Unli Life

3. Ang Babaeng Allergic sa Wifi

4. We Will Not Die Tonight

5. (tie) Bakwit Boys and Signal Rock

6. Pinay Beauty

7. Madilim ang Gabi


UPDATED RANKING.

Sa final list na binigay ng FDCP, narito ang ranking ng lahat ng PPP 2018 entries:

1. The Day After Valentine’s

2. Unli Life

3. Ang Babaeng Allergic sa Wifi

4. (tie) We Will Not Die Tonight and Bakwit Boys

5. Pinay Beauty

6. Signal Rock

7. Madilim ang Gabi


TOP GROSSER.


Ayon sa Viva Films, ang The Day After Valentine's ay extended pa sa mga sinehan.

Ang pelikula nina Bela Padilla at JC Santos ay kuminta ng PHP 65.5 million to date. Ang romantic drama na ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Jason Paul Laxamana.








Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The top grossers were (L-R) The Day After Valentine's, Unli Life, and Ang Babaeng Allergic sa Wifi, according to the FDCP.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results