Vice Ganda reveals shooting day of Dingdong Dantes was packed up because of this ABS-CBN actor

by Bernie V. Franco
Sep 13, 2018
Kapamilya celebrity Ryan Bang (right) apologizes to Kapuso actor Dingdong Dantes when a shooting day for their movie was packed up because of Ryan's failure to show up.


Humingi ng paumanhin si Ryan Bang kay Dingdong Dantes dahil na-pack-up ang shooting ng GMA-7 actor dahil hindi nakapunta si Ryan.

Parehong kasama sina Dingdong at Ryan sa upcoming movie na pagbibidahan ni Vice Ganda, ang Fantastika: The Princesses, The Prince and the Perya, na isa sa entries sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Sa September 13 episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, nag-plug si Ryan para sa pagtatapos ng Kapamilya daytime teleserye na Sana Dalawa ang Puso ngayong Biyernes, September 14.

Kabilang si Ryan sa teleseryeng pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Robin Padilla.

Sa kalagitnaan ng pagpa-plug ni Ryan, tinukso ni Vice si Ryan.

“Abangan mo rin ang ending ng movie natin, mukhang hindi ka na kasama,” biro ni Vice kay Ryan.

Ibinunyag ni Vice na hindi na raw nakakapag-shooting si Ryan para sa kanilang pelikula.

“Nung nakaraang shooting namin, na-pack up si Dingdong dahil hindi siya dumating,” lahad ni Vice.

Continue reading below ↓

Humingi ng dispensa si Ryan sa tinuran ni Vice.

“Sorry, sorry talaga kasi last day namin, last episode [sa teleserye], kaya Kuya Dingdong, I love you so much, like, so much…” pahayag ng Korean actor-host.

Biniro pa siya ni Vice na hinahanap na siya ni Marian Rivera, asawa ni Dingdong.

Pabiro ring sagot ni Ryan, “Ate Marian, send ko sa 'yo number ko.”

THANKFUL TO TELEVIEWERS


Lubos naman ang pasasalamat ni Ryan sa mga sumubaybay sa kanilang teleserye.

“Gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumusuporta at nanonood ng Sana Dalawa ang Puso dahil last taping namin kagabi [September 12, Miyerkules].

“Maganda po ang ending kaya maraming-marmaing salamat po, madlang people.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya celebrity Ryan Bang (right) apologizes to Kapuso actor Dingdong Dantes when a shooting day for their movie was packed up because of Ryan's failure to show up.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results