Jerald Napoles reveals wish of Maine Mendoza to do indie film

IMAGE Mark Atienza (Maine) / Noel Orsal (Jerald)

Jerald Napoles invites Maine Mendoza to see his new movie, Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Kita, with him. "Actually, sabi niya, 'Gusto ko talagang manood nun," he recalled.



Nilinaw ni Jerald Napoles ang kuwento sa kabila ng comment ni Maine Mendoza sa kayang Instagram post tungkol sa ginagawang indie film nila ni Alex Gonzaga.

Nagtanong si Maine Mendoza sa comment niya, “Ito ba yun?”

Nagkausap sina Jerald at Maine dati at nabanggit ng aktor na bagay sa Eat Bulaga host ang karakter sa isang indie movie na ginagawa niya.

Paliwanag ng GMA-7 actor, “Nanggaling ang comment niya kasi may nabanggit lang ako na script sa kanya.

“Nabanggit ko ang script na ito kay Maine kasi during the process, I heard they were looking for a lead girl.

“I think, yun talaga ang umpisa, hindi pa nga yata tapos ang script nun, parang naka-ilang revision na ‘to noong makuwento ko kay Maine, parang first or second draft pa lang.”

Ang tinutukoy ni Jerald ang pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Kita. Inoffer ba kay Maine ang role ni Alex?

“Ako lang ang naka-isip na ikuwento sa kanya,” paglilinaw naman ni Jerald, “I think nasa Concha’s [restaurant] kami, kumakain kami.

“Humirit kasi siya, sabi niya, ‘Puwede ba kong umarte sa mga ganyan, sa mga indie?’ Sabi ko, ‘Oo naman.’

“Kung ikaw pa, hinihintay ka nga lang ng mga taong umarte. Ang alam ko, naghahanap ang pelikula.

“Kasi ako, sinabihan na ako ng lead nila. Sabi ko, parang bagay ka ro’n, kasi writer ang character.

“Pero hindi siya formally na-offer, ako lang talaga and it was really meant for Alex.

“And nung nabuo naman ang casting, oo, tama naman.”

Iimbitahan ni Jerald si Maine na manood ng Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka.

Ayon kay Jerald, “Actually, sabi niya, ‘Gusto ko talagang manood nun ha, yung pelikula na nakuwento mo.’”

Ipinaalam rin daw ni Jerald kay Fifth Solomon, director ng pelikula, na siya na ang bahala sa formal invitation kay Maine para sa premiere ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang banda, excited naman si Jerald dahil magkakasama silang muli ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado dahil may gagawin daw silang series sa Japan under GMA News TV.

Ayon kay Jerald, “Baka next year pa ‘to, so far ang working title, JaPinoy.

“Siyempre, masaya ko na maka-trabaho ulit si Jennylyn dahil siya rin naman ang unang mainstream ko na nakasama na successful.”



Stories We Are Tracking

Alex Gonzaga kisses her boyfriend at premiere
Alex Gonzaga kisses her boyfriend at premiere





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN