Bea Alonzo says she knows what made Charlene Gonzalez fall in love with Aga Muhlach

IMAGE Noel Orsal

Bea Alonzo (right) says now she knows what made Charlene Gonzalez fall in love with Aga Muhlach (left): "Kasi kapag gagawa siya ng isang bagay, he makes sure na ibibigay niya ang buong puso at kaluluwa niya dun. So siguro ganun din siyang magmahal."



Magsasama sa kauna-unahang pagkakataon sina Bea Alonzo at Aga Muhlach bilang magkapareha sa pelikulang First Love.

“Kumusta naman ang chemistry sa kanilang dalawa?

Tugon ng ABS-CBN actress, “Kapag sinabi mong chemistry, parang madali lang.

“Sinasabi nila when you’re an actor, dapat all emotions are supposed to be able…

“Kapag masaya ka, malungkot ka. Ganun din when you’re in love kasi being in love is a feeling.

“Dapat inaabot mo yun, regardless kung sino ang ka-eksena mo.

“Pero meron talagang artista na ka-eksena mo, madali, yung tipong hindi mo siya ie-effort.

“Dadalhin ka niya run, at ganun si Aga Muhlach, hindi ka na e-effort.

“Ang suwerte ko kasi naging mas madali ang trabaho ko dahil sa kanya.

“Siguro yun ang tinatawag na chemistry kapag hindi mo ine-effort.”

Happily married si Aga at Charlene Gonzales for the past 18 years. Samantala, si Bea naman ay nababalitang karelasyon nito ngayon na si Gerald Anderson.

Pero kung nagkataon daw na pareho silang single, tahasang sinabi ni Aga na “sila na.”

At mabilis namang sumangayon si Bea ng “Oo.”

Natatawang sabi pa ni Bea, “Di ba nga?! Sino ba ang hindi? Kaya pala, gets ko na.”

Ano naman at nasabi niyang ‘kaya pala, gets ko na?’

Tugon niya na tila namimilipit, “Hindi... napaka-ano niya kasi, napaka-passionate niyang tao.

“Hindi siya magsasabi ng isang bagay na hindi niya mini-mean kagaya na hindi siya gagawa ng pelikula kapag hindi siya in-love sa pelikulang yun.

“Kaya nga lahat tayo may paborito tayong Aga Muhlach movie, di ba?

“Wala siyang ginawang pelikula na hindi natin… at least ako, napanood ko lahat halos.”

Dugtong pa niya, “Kasi kapag gagawa siya ng isang bagay, he makes sure na ibibigay niya ang buong puso at kaluluwa niya dun.

“So siguro ganun din siyang magmahal.”

Kinikilig ba siya kay Aga?

“Oo... oo naman!” nakangiting sagot ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa October 17 na ang opening day ng First Love sa direksiyon ni Paul Soriano.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN