Can Zanjoe Marudo fall for leading lady Maja Salvador?

IMAGE Jason Paul Laxamana Facebook page

Asked if he can see himself falling for Maja Salvador, Zanjoe Marudo remarks, "Wag nating pangunahan, wag nating sirain. Kung masaya lang, masaya lang." The two pair up in the movie To Love Some Buddy. 



Dahil single si Zanjoe Marudo at single din naman ang To Love Some Buddy leading lady niyang si Maja Salvador, di naiwasang tanungin ang aktor kung may nakikita ba siyang chance na puwedeng mas lumalim pa sa pagkakaibigan ang samahan nila ni Maja.

Sagot ni Zanjoe, "Wag nating pangunahan, wag nating sirain. Kung masaya lang, masaya lang."

Sa tanong kung ano ang nadikubre niya kay Maja habang ginagawa ang pelikula, "Pag tinititigan siya lalo siyang gumaganda."

Bagamat marami sa kasabayan ni Zanjoe sa showbiz ay nagsipag-asawa at may sariling pamilya na, sa ngayon ay mukhang wala pa ito sa isip ni Zanjoe lalo't wala naman itong karelasyon.

Aniya, "Di ko naiisip, di ko naman iniisip. Siguro may certain tao lang ako na hinahanap."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Zanjoe sa blogger's conference ng To Love Some Buddy na ginanap sa Publiq Gastropub, Quezon City.

Wala mang love life sa ngayon, ratsada naman ang career ng Playhouse actor, at ngayon nga ay may bago itong pelikula.

"Excited ako sa movie na ito," aniya. "Proud ako kasi unang-una first time namin na magsama ni Maja sa isang movie, excited ako na si Direk Jason [Paul Laxamana] uli ang direktor namin. Of course under Black Sheep."

Tinanong din namin ang aktor kung wala ba siyang pressure na nararamdaman dahil blockbuster ang unang handog na pelikula ng Black Sheep, ang Exes Baggage.

Sagot ni Zanjoe, "Di naman mawawala yung pressure pero gaya ng sinabi ko, ang pagkita ng pelikula depende na yan sa tao, sa manonood.

"Kasi sila pa rin ang makaka-appreciate ng movie namin. Ako, masasabi ko lang na proud na proud ako sa movie na ito. Natutuwa ako na nag-complement kami sa isa't isa."

Araw-araw na napapanood sa seryeng Playhouse si Zanjoe kapareha si Angelica Panganiban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa aktor, napakamemorable sa kanya ng pinagbibidahang serye dahil sa ganda ng working relationships nila ng mga kasama dito.

"Natutuwa ako kasi gustong-gusto ko rin ang project na yun. Gustong-gusto ko rin yung pagka-real niya, yung pagka-relatable niya.

"Masaya ako na ginagawa ko itong Playhouse. Masayang-masaya kami sa set, sobra. Kumbaga isa ito sa di ko makakalimutang serye, itong Playhouse dahil sobrang enjoy lahat ng cast."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN