Angel Aquino on Tony Labrusca: "May human blanket ako!"

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

Did Tony Labrusca receive indecent proposals because of Glorious? In this digital film, he is paired with Angel Aquino. 


Natutuwa sina Angel Aquino at Tony Labrusca na naging meme ang kanilang torrid scene para sa digital film nila na Glorious.

Marami ang gumagaya sa kanilang intense kissing scene at tinatawag ito na "I-Glorious mo ako!"

Natatawang sabi ni Tony, "Ayun! Yes! May bago nang I-Dawn Zulueta!"

Ang I-Dawn Zulueta mo ako ay isang meme na naging popular noong 2013. Ito ay dahil sa guesting ni Dawn Zulueta sa Gandang Gabi Vice kunsaan binuhat siya ni Richard Gomez at inikot.

Marami ang gumaya sa klase ng pagbuhat na ito na tinawag na "I-Dawn Zulueta!"

Ano ang masasabi nila sa love scenes na ginawa nila sa ilalim ng direksyon ni Connie Macatuno?

"Everything was done tastefully," sabi ng 45-year-old actress.

Paano nila dinevelop ang kanilang chemistry as an on-screen couple?

Sabi ni Angel tungkol sa kanyang 23-year-old leading man: "Ako kasi, I really wanted it to be him. I was hoping it would be easy and it was.

"Maybe because we knew we would protect each other and be there for each other."

Ano ang reaksiyon ni Angel sa mga nagsasabi na sana sila na lang ang nasa kalagayan niya?

"Alam ko! I know a lot of people want to be in my shoes right now and while I was doing the movie.

"Guys, eat your hearts out! Tony is mine!" sabay tawa ni Angel.

Hirit ni Tony, "I was her blanket. Literal."

Dagdag ni Angel, "Yes, may human blanket ako! Ang lamig-lamig sa Baguio!"

Gagawa pa ba si Tony ng daring love scenes in the future?

"To be honest, I never expected that I would do a movie like this in the first place.

"It just shows that when it comes to your career, you don't know where life is gonna take you.

"I can neither confirm nor deny if I could do that again. Who knows?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang previous interview, sinabi ni Angel tungkol sa torrid kissing scene nila ni Tony: "Oh my God, ang sarap-sarap!"

Ano ang reaction ni Tony dito?

"Okay! At least yun pala ang iniisip niya nung ginagawa namin ang mga eksena.

"Kung hindi niya ini-enjoy, sayang naman!"

"Nako-conscious ako na ipakita ang body ko kung hindi siya maganda sa screen. Yun lang! Kung mukhang okay naman, go!

"Basta sa akin, hindi ako mukhang payat pag pinakita nila."

Nag-workout ba siya bilang paghahanda sa kanyang topless scenes?

"Honestly, hindi masyado. Sana the screen really does add ten pounds para mas malaman naman ng konti."

Ano ang pakiramdam niya na maraming pinagpapantasyahan siya ng mga tagahanga niya ngayon?

"Hindi ko talaga masyadong pinapansin yun. Natutuwa ako kasi kahit papaano, naa-appreciate nila ako.

"Masaya naman na ini-enjoy nila yung film. I really hope they support it."

Nakatanggap ba siya ng indecent proposals pagkatapos niyang gawin ang mga daring scenes niya sa Glorious?

"Guys, hindi ako ganun ka-special. Wala pa akong nakukuha."

Si Tony ay huling napanood sa ABS-CBN prime-time series na La Luna Sangre.

Sa susunod niyang teleserye ay magbibida siya sa Kapamilya teleserye na Mea Culpa kunsaan makakasama niya sina Bela Padilla, Kit Thompson, Sandino Martin, and Ketchup Eusebio, at iba pa.



Stories We Are Tracking

Tony Labrusca:
Tony Labrusca: "We're not making porn."
Tony Labrusca: All around the world, malibog talaga mga tao.
Tony Labrusca: All around the world, malibog talaga mga tao.
Angel-Tony Labrusca tongue scene sparks funny reactions
Angel-Tony Labrusca tongue scene sparks funny reactions


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN