LJ Reyes admits, "Dati, parang ayoko na jowa ko tapos makakatrabaho ko."

IMAGE Rose Garcia

LJ Reyes (right) proudly narrated how boyfriend Paolo Contis (left) was given creative freedom to interpret his role in his movie Through Night and Day:  "At saka, alam niyo, sa script nila, siya ang nag-i-inject ng mga punchlines. So most of the punchlines, sa kanya talaga galing. At nakakatuwa kasi binigyan siya ng freedom ni Direk Roni [Velasco], ng mga writers na gawin yun."

 


Hindi lang sa salita ipinapahayag ng GMA-7 star na si LJ Reyes kung gaano niya ipinagmamalaki ang boyfriend na si Paolo Contis sa pelikula nitong Through Night and Day na kasalukuyan pa ring palabas sa mga sinehan ngayon.

Sa katunayan, si LJ pa mismo ang nag-organize ng block screening para sa pelikula noong November 15 sa Director's Club Cinema sa SM Megamall.

“Sobrang proud lang talaga 'ko,” pahayag ni LJ nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bukod sa parehong pamilya nila ni Paolo, dumating din sa block screening ang mga kasamahan ni Paolo sa Bubble Gang tulad nina Betong Sumaya, Lovely Abella, Valeen Montenegro, at Boy 2 Quizon.

Naroon din ang direktor at aktres na si Gina Alajar at ang isa sa matalik na kaibigan ni Paolo na si Dingdong Dantes.

Ayon kay LJ na pitong buwan nang buntis, “Hindi rin naman kasi madalas mabigyan ng opportunity si Pao na magkaroon ng ganitong project, and finally it came.

“At para maalala rin ng tao how good an actor he is.”

Pagmamalaki niya, “Uy, Best Actor 'yan ha!

“Sa Star Awards, Best Actor [for the movie Banal, 2008].

“So gusto kong maalala ng mga tao na kapag ito umarte talaga, drama...

“Talagang tagos sa puso at talagang proud na proud ako sa kanya sa movie na ‘to.”

Napaka-supportive niya dahil may pa-block screening pa talaga siya.

“Oo, e. Kasi, ngayon lang ang opportunity.

“Gaya nga ng sinasabi niya, baka first and last ‘to,” natawang sabi niya.

“Joke niya kasi yun, pero joke lang. Sana meron pa, di ba?

“Ang sa akin lang kasi, ngayon lang siya nag-movie 'tapos siya pa ang lead role.

“So ang sa akin, deserve naman niya talaga to be given this kind of support.”

LIFE IMITATES ART?

Sa pelikulang Through Night and Day, masasabing all-out kung magmahal ang karakter ni Paolo na si Ben.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa relasyon nila, masasabi niya rin bang parang si Ben si Paolo na all-out din kapag nagmahal?

“Oo, e,” saad ni LJ.

“Ang hindi alam ng tao, once na maibigay niya sa ‘yo ang love niya, buong-buo yun.

“Hindi niya sasabihin sa ‘yo na, 'Lahat sa ‘yo mahal ko,' pero once na iparamdam niya sa ‘yo na mahal ka niya, mahal ka niyang talaga.

“Hindi lang sa akin—sa family niya, sa family ko. Ganun siya magmahal.”

SMITTEN BY ICELAND'S BEAUTY

Sa Iceland ang karamihan ng locations na pinakita sa pelikula.

Ayon kay Paolo, kung hindi lang daw buntis si LJ, posibleng nakasama ito.

Pero nangako raw si Paolo na kapag nanganak na si LJ ay babalik sila sa Iceland kasama ang mga anak nila, kabilang si Aki.

Sabi naman ni LJ, “Actually, napagtanto naming dalawa na not anytime soon.

“Kahit na lumabas na si baby, hindi kasi siya [Iceland] place to visit with kids.

“Parang akala namin, 'Uy, ang ganda-ganda!'

“Pinakita niya rin ang pictures kay Aki, excited kami.

“Pero nung na-experience na niya, 'Parang hindi yata ito puwedeng pambata.'

“If ever, kung merong chance na kaming dalawa lang, puwede.

“Or kapag malalaki na ang mga bata.”

Isa rin ba sa pangarap niya talagang mapuntahan ang Iceland?

Aniya, “Gusto ko rin ma-visit, pero mas gusto ko ang Europe, like Italy, Spain, Greece.

“Marami pa kong gustong ma-visit na country.”

DREAMS OF ACTING PROJECT WITH PAOLO

Ang mga eksena raw ni Paolo na wala itong dialogue ang ilan sa pinaka-nagustuhan niya sa movie.

Para raw siyang nagpaka-critic nang manood.

At ayon kay LJ, kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto niyang magkasama sila sa isang proyekto.

Pag-aalala niya, “Nagkasama kami sa isang episode sa Wagas, sa GMA, pero siyempre bitin yun.

“Drama, parang adik siya run. It’s a real love story, hanggang ngayon sila pa rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung pelikula ang pagsasamahan nila?

“Oo, parang nakaka-excite rin,” saad niya.

“Actually, dati parang ayoko na jowa ko 'tapos makakatrabaho ko. Nung kabataan ko...

“Or siguro...wala lang kasing-galing niya!”

Tila nabigla si LJ sa huling pahayag, kaya bigla itong humirit, “Ayoko na! Sorry, sorry! Nadulas ako! Napaisip tuloy ako!”

Si Paolo Contis ba ang pinakamagaling na aktor para sa kanya?

“Huwag naman tayong mag-label ng pinakamagaling.”

At natatawang sabi na, “Hala, recorded pa naman!

“Basta, ‘wag kayong magagalit sa akin. Sa mga naging... di ba, hindi ko tuloy matuloy.

“Basta sa kanya lang ako na-excite na makatrabaho.

“E, kasi magaling... magaling!”

CREATIVE FREEDOM

Sabi pa ni LJ, “At saka, alam niyo, sa script nila, siya ang nag-i-inject ng mga punchlines.

“So most of the punchlines, sa kanya talaga galing.

“At nakakatuwa kasi binigyan siya ng freedom ni Direk Roni [Velasco], ng mga writers na gawin yun.

“Kasi parang siyempre ang dating sa amin nun, naniniwala sila sa skills niya, sa talent niya.”

At saka namin ibinalik at kinumpirma kay LJ ang pahayag niya kung para sa kanya, naniniwala siyang si Paolo nga ang pinakamagaling na aktor?

“Oo! Paninindigan ko na ‘to!

“We’re all entitled to our own opinion, okay?” natatawang sagot ng GMA-7 actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN