Nilinaw ni Pepe Herrera ang bali-balitang nag-quit na siya sa showbiz.
Isang taon din kasi siyang nawala sa sirkulasyon.
Bakit niya naisipang bumalik?
“Para kumita uli ng pera,” at tumawa si Pepe.
“Well, tsaka I guess I was able to rest well for a year.”
Hindi raw totoong tinalikuran na niya ang showbiz.
Paglinaw niya, “Mga ano lang po yun, mga balitang nag-evolve dahil lumipat sa kung saan-saang tenga.”
Nangibang-bansa si Pepe din si Pepe noong mga panahong nagpahinga siya.
Patuloy niya, “I went to New Zealand, sa mga relatives ko po doon, kasama ng mother ko, and then sa Switzerland din.
“Kasi dun semi-based yung mother ko, e.
“She plans to retire there, actually.”
Isang taon siya sa abroad?
Estima niya, “One year na pabalik-balik.
“Hindi naman talaga a year, more or less mga ten months.”
Hindi rin naman raw matatawag na comeback niya sa pag-arte ang Ang Pangarap Kong Holdap.
“Before this actually, late last year, I started doing shows again, nagsimula ako sa The One That Ghost Away movie, kasama sina Kim Chiu.
“Yun, and then after that I did Hopeful Romantic din kasama si Ritz Azul, so yun, a series of films.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pepe sa advance screening ng Ang Pangarap Kong Holdap kagabi, November 24, sa Cine Adarna ng UP Film Institute sa Diliman, Quezon City.
NO PLANS TO LEAVE SHOWBIZ
Habang nasa abroad ba siya ay na-realize niyang hindi niya kayang iwan ang showbiz?
“Well, first and foremost, hindi ko naman siya balak iwanan, kailangan ko lang talagang magpahinga.
“April last year ako umalis.
“Tinapos ko po muna yung Sa Wakas, yung musical, which I also did again when I came back, yung rerun.
“'Tapos yun, bumalik po ako [sa Pilipinas] mga October-November.”
Hindi na siya magpapahinga uli?
“Magpapahinga po ako ngayon, actually, December.
“Pero isang buwan lang, hanggang January lang.
“Sa Europe po uli, kasi nandun mother ko e.”
SAVING MOTHER EARTH
Kamakailan ay may nag-viral na litrato si Pepe sa Instagram kunsaan makikita siyang namumulot ng basura.
“Yes, yes, kasi kami nung kapatid kong lalaki.
“Ugali talaga namin yun. He influenced me, I suppose.
“And yeah, I just…
“Ugali lang po talaga namin na nagpupulot kami, kasi hindi ako comfortable na nakikita lang siya.
“I feel restless.”
Saan yun?
“Well, it was in Bohol, kasabay nung ginagawa kong shoot for a travelogue.
“We were diving and then nagpahinga kami sa isang shore, then I saw this pile of garbage, sobrang dami.
“So, nakakita ako ng sako and I was really advocating that even before pa, so nagkataon lang this one siguro…
“E, alam mo naman ang social media, e.”
Hinangaan siya ng mga tao kaya nag-viral siya sa social media.
“I’m very grateful nga, I’m very grateful for the…”
Napalabas na travelogue mo?
“Hindi pa po, papalabas pa lang I think.”
ON BORACAY REHAB
Since advocacy ni Pepe ang pangangalaga sa kalikasan, ano ang saloobin niya sa ginawang environmental rehabilitation sa Boracay?
Pag-amin niya, “Hindi pa ako totally…
“I have to go there to see for myself, pero I don’t think six months is enough, e.”
Hindi pa siya convinced?
“I’m happy that they’re doing…
“There’s efforts already in rehabilitating, but I think more needs to be done.
“It’s years of rehabilitation.”
Willing daw siyang patuloy na tumulong sa mga ganitong klaseng advocacies.
“Actually, a lot of NGOs are messaging me now and coordinating nga with my handler Janice.
“Kasi I want to entertain all, pero siyempre mag-isa lang ako, kaya…
“But I’m excited to work with these other NGOs for tie-ups, for clean-ups and all.
“Yes, I’m quite excited and passionate about it.”
NO SAPAWAN WITH CO-STARS
Tinanong namin si Pepe kung hindi ba sila nagkakasapawan ng mga co-stars niyang sina Paolo Contis, Jelson Bay at Jerald Napoles sa mga eksena nila sa pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap na idinirihe ng first-time director na si Marius Talampas.
Mula sa Mavx Productions, mapapanood ito sa mga sinehan sa November 28.
Paliwanag ni Pepe, “Actually, nung simula, very particular din yung director namin sa pagbalanse nung dynamics.
“Kasi kahit kami, hindi rin namin napapansin yun, e.
“Habang nasa eksena kami, minsan ang goal lang namin…
“Although dapat napapansin namin yun bilang aktor...
“Pero minsan kasi pag masyado kang nag-e-enjoy sa eksena, kaya kailangan mo ng direktor, parang coach mo sa basketball...
“So minsan, sasabihan niya kami, ‘O, si Pepe, angat ng konti, tone down tayo sa punchline,' mga ganung bagay.
“So yes, yes, the director sometimes is very particular with that.”
WORKING WITH PAOLO FOR THE FIRST TIME
Kumusta namang katrabaho si Paolo?
Aniya, “Masarap, si Paolo kasi ka-close na si Jerald, matagal, and medyo similar sila sa ibang kalokohan, e.
“Kaya hindi naman ako nahirapang mag-adjust at naka-close ko din siya kaagad.
“Nagkakakasama kasi kami sa tent din.
“Parehas sila ni Gerald na makuwento, kaya mga ano yan, mga Lola Basyang namin sa loob ng tent.
“Pagka nasa tent kami, kami ni Jelson usually yung tagapakinig.”