Director Joven Tan thankful for Otlum's inclusion in MMFF 2018 Magic 8

by Rommel R. Llanes
Dec 16, 2018
<p><em>Otlum</em> director Joven Tan (shown with the movie's main stars Michelle Vito, Danzel Fernandez and child star Yñigo Delen) speculates about his movie's inclusion in this year's MMFF: "S<span lang="en-US">iguro time ko lang ngayon, tsaka baka kailangan ng ganitong horror sa filmfest e, para ibalanse lahat."</span></p>
PHOTO/S: Rommel Gonzales

“Surprise entry” raw ang Otlum sa Metro Manila Film Festival 2018 at aware dito ang direktor ng pelikula na si Joven Tan.

Na-surprise din daw si Joven.

“Oo, kasi siyempre ano yan, e...

“Sumali ka sa contest, e.

“Sa contest, kahit sino puwedeng manalo.

“So, siguro nadagdagan lang yung dasal ko nung araw na yun.

“Lagi naman akong sumasali, hindi naman ako laging nakukuha, so parang…”

Nung nalaman ni Joven na pasok ang pelikula, ano agad ang naisip niya?

“Parang sabi ko, ‘Ay, parang alam ko na na maraming magtataas ng kilay,’ pero wala akong magagawa e, anong gagawin ko?

“Pag sila ba yung nasa same situation, anong reaction nila, di ba?

“Parang ako, gugustuhin ko ba na huwag na akong isama para ma-please ba sila?

“Sumali ako, sinuwerte, so okay lang kung iniisip nila na ako yung pinaka…”

Ano ang mensahe ni Joven sa mga nagtaas ng kilay?

“Okay lang, salamat,” at tumawa ang direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang wala akong puwedeng sabihin na ano e, magsabi ako na…

“Malalagyan lang ng kulay, e.

“So, basta ako masaya ako.

“Kasi di ba, parang pinalad na makapasok.

“Siguro yung iba, baka hindi ito yung year nila, baka naman next year sila naman, kasi di ba sabi ko nga sumasali ako lagi pero hindi naman napipili.

“So parang siguro time ko lang ngayon, tsaka baka kailangan ng ganitong horror sa filmfest e, para ibalanse lahat.”

HATS OFF TO BRILLANTE

Sinasabing ang last spot ay between sa pelikula nina Joven at ni Brillante Mendoza.

Ano ang masasabi ni Joven na tinalo niya si Brillante?

“Hindi naman tinalo, e.

“Kasi selection process parang pag handaan dapat iba-iba din ang putahe.

“Hindi naman tinalo. Napakalaking ano naman kay ano…

“Napakalaki na ng nai-ambag niya sa industriya.

“Ako naman ganito lang ako…chill-chill lang akong direktor, na every time may project masaya, nakakapagbigay ng trabaho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So parang ako hindi ko iniisip yung mga ganyan, e.

“Sa akin talagang… I think mas marami siyang…

“Di ba marami siyang na-a-achieve internationally?

“So baka doon muna siya, 'tapos baka eventually dito din, pero siya ang dami na niyang napatunayan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joven sa presscon ng Otlum nitong nakaraang Huwebes, December 13, sa Play Hub Events Place sa Quezon City.

WORKING WITH FIRST-TIME ACTORS

Ang mga artista niya sa Otlum ay sina Michelle Vito, Danzel Fernandez, Buboy Villar, Yñigo Delen at ang basketball player na si Ricci Rivero na first time aarte sa isang pelikula.

“Oo, first niya, kasi siyempre sa industriya kailangan mong mag-isip ng bago.

“Kailangan mong sumabay sa agos—sino ba yung gusto ng tao? Sino ba yung in?

“So tiningnan namin yung basketball side.

“So naano namin na ang daming fans, and daming ano...

“Even sa mga mall shows, so parang sana yun lang mga…yung mga fans na yun, makita natin sa takilya, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino ang nagkumbinsi kay Ricci?

“Kinausap ko yung manager niya.”

Ano ang convincing words ni Joven?

“Wala kasing ano… basta wag sasabay sa practice sa basketball, yun.

“Nag-adjust naman kami.”

How is it working with a first time actor?

“Mabait siya tsaka maayos naman.”

Hindi siya nahirapan kasi baguhan?

“Hindi naman.

“Tsaka ano lang kami, kumbaga, wala kaming expectation na ano...

“Kumbaga, eto lang yung role, eto lang dapat, hindi naman kailangang maging…

“Hindi naman kailangang umarte, so natural naman siya.”

NOT WORRIED ABOUT COMPETITION

Head-on ang labanan nila ng isa pang horror film, ang Aurora ni Anne Curtis.

“Hindi naman head-on.

“Basta kami, ang ano namin is yung traditional na pinapanood ng mga bata tuwing Pasko.

“Di ba may mga Shake [Rattle & Roll], yung mga ganyan?

“Kami ganun lang, gusto lang namin na hindi nila ma-miss yung mga ganung klaseng pelikula.”

SUPERNATURAL ENCOUNTERS

Nakakita na ba si Joven ng multo sa totoong buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin niya, “Madalas, pero pag hindi mo naman sila inaano, hindi ka rin nila aanuhin.”

Masasabi ba siya na may third eye ka?

Aniya, “Siguro or minsan naisip mo lang na hindi ako sure multo ba ‘yun or baka mamaya kathang-isip mo lang.”

Or baka pakitain ka lang?

“Puwedeng ganun.”

Hindi siya bothered?

“Hindi naman.”

Hindi siya takot?

“Hindi naman.

“Yung isang eksena dito na may sumisigaw 'tapos may tumatawa, na sabi ng mga ano wala naman, pero nung ni-review, meron, so yun lang so far.

“Kasi yung pinag-shootingan namin talagang ano siya, parang haunted talaga.”

Sabi nila basta horror kumikita sa MMFF?

“Sana, sana pamasko na lang sa amin, para makagawa pa kami… yung maliliit na players sa industriya.”

Ano ang target niya sa ranking ng pelikula niya?

“Kahit ano, basta kumita siya.”

Produced ng Horseshoe Studios ang Otlum at nasa pelikula rin sina Vitto Marquez, Kiray Celis, John Estrada, Irma Adlawan, at Pen Medina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p><em>Otlum</em> director Joven Tan (shown with the movie's main stars Michelle Vito, Danzel Fernandez and child star Yñigo Delen) speculates about his movie's inclusion in this year's MMFF: "S<span lang="en-US">iguro time ko lang ngayon, tsaka baka kailangan ng ganitong horror sa filmfest e, para ibalanse lahat."</span></p>
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results