Xian Lim comforts crying Kim Chiu after MMFF 2018 results


Naapektuhan ba si Kim Chiu nang matalo siya bilang Best Actress sa Metro Manila Film Festival 2018 awards night?

Nominated ang ABS-CBN actress para sa pelikula niyang One Great Love ngunit ang nagwagi ay si Gloria Romero ng Rainbow's Sunset. 

Ilang oras pagkatapos ng MMFF 2018 awards night, nag-post ang kanyang boyfriend, ang actor na si Xian Lim, ng litrato sa kanyang Instagram Stories kunsaan makikita na umiiyak si Kim.

Ginanap ang Gabi ng Parangal sa Theatre @ Solaire noong December 26.

Sinulat ni Xian sa caption sa litrato ni Kim: "It's OK, you did your best."

Naglagay pa si Xian ng hashtag na #morecinemasforonegreatlove dahil nabawasan ng sinehan ang naturang pelikula dahil sa mahinang kinita nito sa first two days of showing nito. Kamakailan ay nadagdagan na ang mga moviehouses para dito. 

Bago kasi naganap ang MMFF 2018 awards night, maraming nakapanood sa premiere night ng One Great Love ang nagsasabi na malakas ang chance ni Kim na manalong Best Actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang veteran actress na si Ms. Gloria Romero ang nagwaging Best Actress para sa MMFF 2018 official entry na Rainbow's Sunset.

Napanalunan ng One Great Love ang awards na 3rd Best Picture, Best Actor (Dennis Trillo), at Best Musical Score.

Kinabukasan (December 27) ay nag-post si Kim sa kanyang Instagram account ng congratulatory message kay Gloria Romero at pagpapasalamat niya sa Regal Entertainment dahil nagawa niya ang pelikulang One Great Love.

Sinulat ni Kim sa caption: "proud of team #OneGreatLove at gabi ng parangal last night!!! 11 NOMINATIONS 3 WINS!!!

"grateful to be part of this wonderful project. congrats #TeamOneGreatLove especially to bes @dennistrillo for bagging the best actor award truly deserve it, being nominated along with ate @annecurtissmith (aurora) and ms gloria romero (rainbowsunset) is already a big thing for me this mmff2018 congrats to ms gloria romero truly an icon of all time!!!

"mabuhay ang pelikulang pilipino! thank you @regalfilms50 @roselle_monteverde @eric_quizon #OneGreatLoveday4 #morecinemasforonegreatlove" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinundan pa ito ng isa pang post ni Kim na bago siya magbakasyon ay nagpasalamat ito sa kanyang mga fans na nagpa-block screening ng One Great Love.

"#OneGreatLoveDay4 before vacation starts I just want to say thank you to my beloved supporters for all the love that you have been giving to me in everything that I do!!!

"thank you @chowkingph family for the support and blockscreening in galleria. thank you #teamchinita @jakegalvez @pattyyap @rjdelacruz thank you @kimxianaroundtheglobe #chinitochinita #docvi thank you @teamkcg @onekimnation thank you @kim_world_tm @teamkimpossible thank you @tropangkimuy thank you @solid_kimerald thank you @teamkimxi thank you @kxangels @kimxi_survivors . . salamat sa mga nakanood na! sa mga hindi pa po habol na sa mga sinehan! #OnegreatLove #morecinemasforonegreatlove"

Pinost ni Kim sa Instagram account niya na nasa Shanghai, China siya kasama si Xian. Doon na sila nag-celebrate sa pagpasok ng 2019.

Mukhang masaya naman si Kim at mukhang naka-move on sa pagkatalo nito sa MMFF 2018. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Heto ang magkakasunod na IG posts ni Kim:

"finally in MainLand!!!!!! andito kaya mga kamag anak ko?  kaso kamukha ko lahat dito eh! lels! waley!"

“We don’t know where these roads lead us but no matter what, its ok to pause awhile but never give up.” knina ko pa hinahanap yung lumpia dito sa shanghai!!!! oopsss waley!! #ootdksyc"

"Day 364 of 365 what a year it has been!!!! thank you for all the people who have been part of my 2018 and made it a colorful one!!!!  its was a great year indeed!!! met new people, new friends, reunite with old friends, learned more about myself and many more!!! I just want to look up and thank you!!!!!  thank you for the gift of life. lets all enjoy the last 2 days of 2018 before we start another chapter of the year or should I say another 1 of 365!!!!! them say.... hope for the best and God will do the rest!!!!!"

"collecting memories in [China] @xianlimm"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"day 365 of 365!!!! Year’s end is neither an end or a beginning but a going on, with all the wisdom that experience can instill in us.-H.Berland”. THANK YOU!!!! Cheers to 2018 and lets all welcome 2019"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN