Dahil sa pagiging blockbuster ng 2018 Metro Manila Film Festival entry na Fantastica, pinag-iisipan na raw ng Star Cinema na magkaroon ito ng part 2.
Ang Fantastica ay pinagbidahan ni Vice Ganda kasama sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.
Nagpahiwatig si Vice Ganda na umabot na ng P400 million ang kinita ng kanilang MMFF 2018 entry sa box office.
Noong January 2, nagpasalamat ang komedyante sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Twitter account: "400 Million THANK YOUS Madlang People!!!! Ipagpatuloy natin ang pagyakap sa SAYA, TAWA at LIGAYA ng maging FANTASTIC ang Bagong Taon natin."
Naabot ng Fantastica ang P400 million mark sa loob ng 9 days.
Samantala, ang MMFF entry ni Vice Ganda last year na Revenger Squad ay kumita ng P400 million noong January 1, ang eighth day ng MMFF 2017.
Ang Revenger Squad, na pibagbidahan rin nina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach, ay kumita ng P540 million nang matapos ang MMFF 2017.
Sa January 3 interview sa director ng Fantastica na si Barry Gonzalez, masaya ito na nanatiling No. 1 sa box-office ang kanilang pelikula sa MMFF 2018.
"Siyempre, masayang-masaya po kami na ganun ang resulta kaya thankful po kami. Kaya sana, panoorin pa rin po natin ang Fantastica," sabi nito sa panayamn niya with ABS-CBN News.
May plano bang magkaroon ng sequel ang Fantastica?
“Hanggang ngayon po ay pinag-iisipan. Sana nga po meron pa. So may plano naman po ang Star Cinema para roon," ani Direk Barry.
Ayon sa January 3 report ng PEP Troika, ang Fantastica ang nanatiling No. 1 at sinundan ito at No. 2 ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles nila Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin, at pangatlo ang Aurora ni Anne Curtis.
First blockbuster at pangalawang pelikula pa lang ni Barry Gonzalez ang Fantastica. Ang una pelikulang dinirek niya ay ang Fangirl Fanboy na pinagbidahan nila Ella Cruz at Julian Trono noong 2017.
Since 2000 ay nagtrabaho na si Direk Barry bilang production assistant, crowd director, set production assistant, production manager, stunt driver at nag-artista rin ito sa mga pelikulang Crazy Beautiful You, One More Chance, at First Day High.
Bago maging full-pledged film director, naging third and second assistant director si Direk Barry sa mga TV shows at pelikula.
Kabilang sa mga pelikulang naging assistant director siya ay Crazy Beautiful You, Once A Princess, It Takes A Man And A Woman, The Reunion, My Cactus Heart, Segunda Mano, Won't Last A Day Without You, Dalaw, My Amnesia Girl, Babe I Love You, Villa Estrella and You Changed My Life. Sa TV naman, naging assistant director siya sa Bud Brothers Series, Somewhere In My Heart, Mula Sa Puso, at Maalaala Mo Kaya.