Arnel Pineda surprised Crazy Rich Asians director Jon M. Chu wants to do his biopic

Arnel Pineda on his foundation sending indigent children to school: "Filipino pa rin tayo. Even if I'm leading an American band, I choose to be Filipino still."
by Melba R. Llanera
Jan 10, 2019
<p>It's was a busy 2018 for Arnel Pineda as lead singer of the American rock band Journey, and this year will be even busier with 15 to 18 shows already marked on his schedule.</p>
PHOTO/S: Arnel Pineda Instagram

Marami ang natuwa sa balitang balak isa-pelikula ng Crazy Rich Asian director na si Jon M. Chu ang buhay ng Pinoy talent at Journey lead vocalist na si Arnel Pineda.

Nagkaroon ng ekslusibong panayam ang Pep.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arnel, nung January 6, sa set ng Asap Natin To.

Ibinahagi ni Arnel ang hiling niyang sana'y matuloy ang paggawa ng kanyang life story.

Lahad niya, "First, very surprised, kasi I thought natapos na siya—yung Don't Stop Believin: Everyman's Journey, yung documentary ni Ramona S. Diaz.

“‘Tapos heto mayroong ganitong mga balita. I'm very honored, and very happy ako para sa mga kababayan ko.

“Kasi I believe marami talaga tayong talented na mga singers na di lang natutuklasan.

“This movie will give a lot of inspiration para sa ating mga kababayan na di pa natutuklasan kahit ang galing-galing nila."

Masayang-masaya din si Arnel na si Jon.M. Chu, ang nagdirek ng all-Asian-cast na Crazy Rich Asians, ang mismong interesado sa kaniyang life story at baka ipo-produce ito ng Warner Bros.

Bulalas niya, ”Of course, honored and very flattered na na-inspired siya nung rise ko to fame. Thank you, Direk."

Tinanong ng PEP.ph kung nagkita na sila ni Direk Chu. "Not yet. Hopefully, siguro pag natuloy ‘yan, we might sit down and talk about the movie."

Dagdag ng hinahangaang band singer, "Medyo drowning pa ngayon yung feeling, nalulunod pa ako sa excitement, and overwhelmed.

"Sana matuloy talaga. I am praying for everybody to be able to see it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kung sakali, si Arnel ba ang gaganap ng life story niya?

Tugon ng rock singer, ”Kung magaling lang sana akong umarte.

"Hanggang rock-rock lang ako and head banging sa stage.

“Siguro, will leave na lang ito talaga to somebody qualified to do this.

"Siguro cameo role lang, hello, ganun lang."

HIS JOURNEY CONTINUES

Malayo na nga ang narating ni Arnel sa mundong ginagalawan.

Kaya sa mga singers na ang pangarap ay maka-penetrate sa international music industry, narito ang kanyang mensahe.

"Kung alam talaga nila na mayroon silang material, they have the talent to support their material, go lang nang go.

“Keep honing their talent, practice lang sila nang practice, mag-gig sila kahit minsan mababa lang ang budget.

“Lahat naman tayo nagsisimula sa mababa. Get inspired by watching the talent [of others].

“Kuhanin nila yung mga technique, [see] how they do it. Pulutan nila ng magagandang aral, yun."

Nagkuwento din ito tungkol sa kanyang itinayong foundation, ang Arnel Pineda Foundation Inc. (APFI).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Layunin ng foundation pag-aralin ang mga kabataang walang kakayahang magtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan.

Pangako ni Arnel, “Itutuloy ko pa rin yung work ko with the APFI—sponsoring kids through our donors, pinag-aaral namin sila.

“Filipino pa rin tayo. Even if I'm leading an American band, I choose to be Filipino still."

Nagpapasalamat naman si Arnel sa lahat ng magagandang nangyari sa kanya noong 2018.

At ngayong 2019 ay napakarami din ang aabangan sa kanya ng mga tagahanga, lalo’t patuloy ang magandang samahan nila ng bandang Journey.

Aniya, "It's been eleven years with the band, continuous siya. God is so good, and He's been blessing me.

”2018 was a very blessed year for me because I just finished sixty four shows with Journey all over America and two cities in Canada, Toronto, and Vancouver.

“I also made six successful shows in America, dalawa sa San Francisco, Seattle, Canada, Phoenix Arizona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thank you sa mga nagsuporta talaga.

“We are doing at least 15 to 18 shows by first week of September, with Journey again.

"2019, I'm on my way to my 2nd album. Mayroon akong first album, subtitled siya.

“I might also guest with Lani [Misalucha]... a tour by May sa America.

“We will make eight shows. Di ko pa nako-confirm yung mga cities, pero I heard one in San Diego and one in L.A.”

Read Next
Read More Stories About
Arnel Pineda, crazy rich asians
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>It's was a busy 2018 for Arnel Pineda as lead singer of the American rock band Journey, and this year will be even busier with 15 to 18 shows already marked on his schedule.</p>
PHOTO/S: Arnel Pineda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results