Dingdong Dantes looks back on his projects with GMA-7 and Star Cinema

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes admits, "Mae-excite ako lalo na kung siguro, kapag natapos 'to [Cain at Abel] at nandoon ako sa bahay."


Kinamusta namin kay Dingdong Dantes ang nagdaang taon para sa kanya. Kung career ang pag-uusapan, masasabing maganda ang 2018 para sa kanya dahil sa dalawang shows niya sa GMA-7: ang prime-time series na Cain at Abel at ang Amazing Earth.

Bukod pa rito, naging bahagi siya ng topgrosser ng 2018 Metro Manila Film Festival na Fantastica.

“Hindi pa nga tapos ang taong 2018 sa akin, marami pa kong dapat gawin,” saad niya.

“Kasi, noong holiday season, maraming nagkasakit sa amin. Pati halos sa buong buhay namin, ang daming na-delay. Yung mga kailangang gawin nung break, hindi nagawa. So, naghahabol pa kami.”

Sa taong 2019, nandiyan rin ang pagdating ng bagong baby sa pamilya Dantes, ang ipinagbubuntis ni Marian Rivera ngayon na baby boy.

“Wala nang makakatalo dun, yun na yun!”

Kung may pinaka-excited daw siya sa taong ito, ang pagsilang nga raw ng ikalawang anak nila ni Marian na ipapanganak ngayong summer.

Sabi pa ni Dingdong, “Everything else becomes secondary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pati trabaho-- basta ako, on call ako. Kung kailangan ako run, kahit na nagte-taping, pasensiya na po, kailangan ko nang umalis. Babalik naman ako, pero kailangan ko lang doon.”

Tinanong din namin si Dingdong kung mas iba ang excitement niya ngayon na baby boy naman ang magiging anak nila.

Tatlong taon na ang panganay nilang anak na babae, si Maria Letizia o Zia.

Ani Dingdong, “Mae-excite ako lalo na kung siguro, kapag natapos ‘to [Cain at Abel] at nandoon ako sa bahay. Kasi, around this time, kailangan to be there. Maraming needs, e.

“Ngayon kasi, ang oras ko medyo nahahati sa trabaho, sa bahay. Hindi ako makapaghintay na tutok na ako dun.”

Excited na rin daw si Zia sa pagdating ng baby brother nito.

“Hinanda na nga niya yung kama, yung mga ganun. Dito si ganyan-- yung ganun,” natawang kuwento ni Dingdong.



COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close