Rayver jokingly warns Janine Gutierrez: "Mag-ingat ka diyan kay Enchong."

IMAGE Noel Orsal

Janine Gutierrez shot a kissing scene with Enchong Dee (right) for their upcoming movie titled Elise.


Ayon mismo kay Janine Gutierrez, hindi naging isyu kay Rayver Cruz ang tungkol sa kissing scene nila ni Enchong Dee para sa pelikulang Elise.

Si Rayer ay isa sa itinuturing na best friends ni Enchong, ang leading man ni Janine sa pelikulang ito.

Pahayag ng GMA-7 actress, “Sinabi ko [kay Rayver]. Ikinuwento ko na may kissing scene kami.

“Nakakatawa lang kasi, well, siyempre, understood naman yun kasi trabaho.
 
“Natatawa siya kasi nga si Enchong na sobrang close sila, kaya naiintindihan ko na para sa kanila ay parang weird.

“Parang, ‘Shocks, bro, o kung ano man.’

“Ang funny lang kasi, parang si Enchong nagloloko na, ‘I think I lost a friend.’ Ganun.

“Tapos, si Rayver naman parang, ‘Grabe naman si Enchong, ‘ habang umiiling-iling siya.

“[Sabi niya], 'Mag-ingat ka diyan kay Enchong.' Gumaganun siya.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi at ipinakita sa kanya ni Rayver?

Ani Janine, “Ano naman, natatawa lang ako sa kanilang dalawa.

“So, medyo mas madali para sa akin bilang silang dalawa naman talaga ang close.

“Comfortable din ako kasi, friend ko rin si Enchong.

“Mas madali sa kanya yung eksenang halikan.”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa grand press con ng pelikulang Elise na ginanap sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City noong January 16.

Para kay Janine, napakalaking hamon ito para sa kanila ni Enchong dahil ang pelikula nila ang pambungad ng Regal Films ngayong 2019.

Kumbaga, ang movie nila ang magsi-set ng trend sa mga susunod pang pelikulang ipapalabas ng film outfit ni Mother Lily Monteverde.

Saad ng 29-year-old Kapuso actress, “Exciting!

“Di naman po masyadong pressured, kasi, gusto ko naman sana din na bigyan ng chance ng mga tao ang Elise, kasi feeling ko mag-e-enjoy din naman sila.

“Kasi, yung story ay sa tingin ko ay magugulat din ang mga tao.

“Natuwa ako trailer kaya sana, pagbigyan din kami ng pagkakataon na tangkilikin nila ang movie."

Kinuwento rin ni Janine na ibang-iba ang Elise sa 2016 film nila ni Enchong titled Lila.

“Second din na rin kasi namin ito ni Enchong.

“May ginawa kaming indie movie, Lila ang title. For Sinag Maynila Festival naman noon.

“Gino Santos movie yun, and super iba naman sa Elise, kasi yun ay dark, thriller and iba yung feel din dahil indie.

“Heto, sobrang ibang-iba.”

Kumusta naman ang pangalawang pagsasama nila ng best friend ni Rayver?

Napapangiting sagot niya, “Masaya. Sobrang masayang kasama ni Enchong.

“Kalog din po, at saka, hindi pilit yung mga usapan namin.

“Alam mo yun, di siya small talk na kapag nagkukumustahan kami sa isa’t isa, dahil gusto talaga naming malaman kung ano ang ginawa mo, kumusta ka na, okay ka lang ba?

“Kapag pagod kami, tulog muna kami, kain kami. So, natural lang, natural lang.”

Sa February 6 na ang opening ng pelikulang Elise. Produced by Regal Entertainment, ang romance film na ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Joel Ferrer. 
 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN