Liza, Enrique have sweet moments while shooting Valentine movie in New York

IMAGE @danvillegas on Instagram (left frame)

Liza Soberano and Enrique Gil shot scenes in New York for their 2019 Valentine movie titled Alone/Together. Some scenes were shot in Central Park's iconic skating rink.



Nagsu-shooting ngayon si Liza Soberano at Enrique Gil sa New York City para sa kanilang 2019 Valentine movie titled Alone / Together.

Sinamahan ni Ogie Diaz ang alaga niyang si Liza sa United States habang ginagawa ang pelikula na written and directed by Antoinette Jadaone.

Umalis ang LizQuen noong January 22, Martes, at ngayong January 24 ng hapon ay nag-post si Ogie sa Facebook ng pictures nila sa NYC.

Ang Alone/Together ay tungkol sa love story nina Christine at Raf, dalawang former U.P. students na nagkita muli eight years after nilang magkasama sa kolehiyo.

Sa pamamagitan ng Facebook Messenger ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Liza.

Kuwento ni Ogie, “2:21 AM na rito. Grabeng ginaw. Parang isinawsaw sa yelo ang mga kamay mo rito.

“Done na ang first day sa Central Park at sa Trump Skating Rink. Sabi ni Quen sa NYC, ‘Para siyang BGC [Bonifacio Global City] na malaki.’

“Nakakatuwa si Liza. Favorite niya ang New York, at kung hindi ako nagkakamali, pang-apat niya na rito.

“Sinamahan ko si Liza sa convenience store. Parang dito siya nakatira kasi alam niya ang pasikut-sikot kahit maglakad lang kaming dalawa noong first morning namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay rin ng obserbasyon si Ogie tungkol sa pagtatrabaho ni Liza.

Ani Ogie, “Sabi nila, ang tao, mas makikilala mo pag nag-travel kayo abroad.

“Si Liza, napaka-down to earth. Walang kaere-ere sa katawan. Walang pakialam sa estado niya ngayon.

“Isang normal na bata na makwento, matsika. Excited sa kanyang ginagawa. Hindi marunong magreklamo kahit gusto ng director ulit-ulitin ang eksena.

“Gusto kasi ni Direk, maraming anggulo, maraming shots na pamimilian sa editing."

Napansin rin ng talent manager/actor ang pakikitungo ni Enrique sa production crew ng movie na produced by Black Sheep, isang subsidiary ng ABS-CBN Films.

“Si Quen naman, true gentleman kay Liza at sa iba pang staff na girls. Saka siya ang nag-volunteer na magdala ng maleta ng costumes nila.

"Nagtutulak ng mga equipment, yung hindi mo rin mararamdaman na artista siya kundi isang ordinaryong tao."

“Sa tatlong dekada ko sa showbiz, alam ko kung sincere, plastik o pumi-PR lang ang isang artista.

“Yung maipipintas ko lang talaga kay Quen, hindi niya nage-gets ang mga jokes ko.

“Laging delayed ang reaksyon niya kasi pinoproseso pa niya sa utak kung ano ibig kong sabihin sa punchlines ko. Hahaha!

“Nakuha na ng iba, siya hindi pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saludo rin si Ogie sa husay ni Direk Antoinette.

Pahayag pa ng talent manager, “Metikulosa si Direk Antoinette Jadaone at ang gaganda ng linyahan niya about love sa kanyang script ng Alone/Together.

“Nag-PM sa akin si Direk Jadaone ng, ‘Sir Ogs, gusto ko lang sabihin na napakahusay at napaka-committed ni Hope. Nakakatuwa. galing.’"

Hope ang real name ni Liza Soberano.

Pagpapatuloy ni Ogie tungkol kay Direk Jadaone: “Sabi ko sa kanya, ‘Si Liza, gusto ka rin, Direk. Parang nahihiya siya sa bait mo.’

“Sabi ni Direk, ‘Naku, mas mabait yung dalawa! Super love ko sila!!!’”

Narito ang ilang behind-the-scenes photos posted by Ogie sa kanyang Facebook account:


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Ogie Diaz
 IMAGE Ogie Diaz



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Ogie Diaz








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN