Enrique Gil, Liza Soberano brave New York's subzero temps for Alone/Together shoot

by Jerry Olea
Jan 26, 2019
<p>Liza Soberano, director Antoinette Jadaone and Enrique Gil post their warm smiles amid New York City's subzero temps. They recently wrapped up their three-day shoot there for <em>Alone/Together</em>, slated for this coming Valentine's Day.</p>
PHOTO/S: Ogie Diaz

Nairaos nang maayos ang tatlong araw na shooting nina Liza Soberano at Enrique Gil ng pelikulang Alone/Together sa New York City.

“Sabi ni Direk Antoinette Jadaone, mahusay kasi yung dalawa, hindi maarte, kaya laging maaga matapos ang shoot,” pakli ni Ogie Diaz [manager ni Liza] nang maka-chat ko sa Messenger nitong Sabado ng gabi, Enero 26.

Sinamahan ni Ogie ang alagang si Liza sa NYC, at nailathala na namin dito sa PEP.ph ang kuwento niya kaugnay ng first shooting day nila roon.

Update na tsika ni Ogie, “Grabe, para kaming nasa freezer lahat sa sobrang ginaw at lamig!

IMAGE Ogie Diaz
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Enrique nga, nagluluha ang mata dahil sa lamig. Naka-contacts kasi siya.

“Si Liza naman, yung hand warmer [yung parang may buhangin na mainit], lagi niyang inilalagay sa tenga niya dahil sumasakit sa lamig.

“Kaming dalawa ni Direk Jadaone, hindi na namin namamalayan na tumutulo na yung sipon namin sa sobrang manhid sa lamig ng mukha namin.”

Nag-dinner treat ang LizQuen sa staff ng kanilang Valentine movie, na nakatakdang ipalabas sa Pebrero 13.

Hindi nakasama si Ogie sa dinner na iyon dahil hindi niya kinakaya ang lamig ng The Big Apple (isa sa nicknames ng NYC).

Pagpapatuloy ni Ogie, “Umapir ang windburn ni Quen dahil sa lamig.

“Maya-maya, sabi ko sa kanya, ‘Quen, may windburn na rin ako. Ang hapdi ng lips ko. Anlakas din palang maka-mestisa nitong windburn, ‘no?’

“Tawa nang tawa ang lolo mo.

“Dahil sa sobrang lamig, naghahanapan kung saan makakabili ng coffee.

“Sabi ko kay Quen, ‘Dun sa funeral, may coffee. Lalagyan mo lang ng N sa dulo ng coffee.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ayun, antagal bago na-gets ni Quen.

“Pati yung sarap na sarap siya sa kinakain niyang pasta, sabi ko sa kanya, ‘Quen, me mas masarap kesa pasta.’ ‘Ano yon, Mama Ogs?’ ‘Bunot.’

“Ayun, hindi na naman nagets ni Quen ang joke.

“Kaya ang potah, sabi sa akin, ‘Ano po yung iba mo, sige, baka ma-gets ko na.’ Hahahahaha!”

Nakakatuwa ang mga tagahanga at supporters ng LizQuen sa New York.

“Nagluto ang fans para may madala silang food sa dalawa sa lobby ng hotel,” lahad ni Ogie.

“Naramdaman ko rin yung sincerity ng LizQuen kung gaano mag-asikaso ng supporters.

“May nagregalo pa ng hot sauce kay Liza, tuwang-tuwa si Liza.

“Si Quen naman, napamura nung matikman yung isang brand ng pizza na sobrang nasarapan siya sa garlic bread.

“Nung inalok ako ni Quen para i-try ang garlic bread, tumanggi na ako.

“Kasi, iniiwasan ko na ngang magmura, e. Hahaha!

“Si Liza naman, excited kainin paggising yung sinigang na hipon na niluto ng supporters niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyon daw ang almusal niya.”

Napatunayan ni Ogie sa New York na mahilig talaga sa aso ang LizQuen.

“Lahat talaga ng dumadaan na may hila-hilang aso, nilalapitan nila at nilalaro,” kuwento pa ni Ogie.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Liza Soberano, director Antoinette Jadaone and Enrique Gil post their warm smiles amid New York City's subzero temps. They recently wrapped up their three-day shoot there for <em>Alone/Together</em>, slated for this coming Valentine's Day.</p>
PHOTO/S: Ogie Diaz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results