Ryan and Bebong to play cameo roles in the movie of Judy Ann and Jolina


FOURSOME. Judy Ann Santos and Jolina Magdangal star in their first movie together post-Gimik days. This time, their respective boyfriends, Ryan Agoncillo and Bebong Muñoz, will have special cameo roles.



Parehong magka-cameo roles ang mga boyfriends nina Judy Ann Santos and Jolina Magdangal na sina Ryan Agoncillo at Bebong Muñoz, respectively, sa pelikulang Ouija ng GMA Films.

Tumitindi ang pagiging event movie ng susunod na handog ng GMA Films after the successful The Promise nina Richard Gutierrez and Angel Locsin, na naka-over P40 million na raw before its first week of run. Kung ang The Promise ay co-produced with Regal Films, ang Oujia ay co-produced naman with Viva Films, although walang Viva artist sa lead roles dahil hindi napayagan si Anne Curtis na makasama sa final cast.

As it is, event na ang unang pagsasama nina Juday at Jolens in both full feature roles at sa GMA Films pa man din. Jolens is now with GMA-7 although she started in ABS-CBN. Si Juday naman, nananatiling loyal Kapamilya although freelancer siya pagdating sa pelikula.

Middle of production pa lang ang movie from the direction of Topel Lee. Ouija is Topel's first full-length mainstream film after ng "Yaya" episode ng Shake, Rattle & Roll 8 from Regal Entertainment. Nakatakda pa silang mag-shoot ng kung ilang araw sa Camiguin for several key scenes of the story of Aloy Adlawan.

Dahil balitang madalas sa shooting ang mga boyfriends nina Juday at Jolens na sina Ryan and Bebong, pumayag na rin ang dalawang binata na mag-cameo role.

Nauna nang kunan ang eksena ni Bebong as an attorney—himself a real lawyer—na naka-eksena si Juday. Balitang sa Camiguin naman gagawin ang cameo role ni Ryan at ang makaka-eksena niya naman ay si Jolens.

Ryan is a former GMA-7 star din bago lumipat sa ABS-CBN, and like Juday, freelancer din siya sa films. Minsan nang nag-cameo si Judy Ann sa isang independent movie ni Ryan, ang Umaaraw, Umuulan, so returning the favor lang ang boyfriend this time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin naman imposibleng mag-cameo si Ryan in this GMA Films-produced horror movie slated for an April opening. After all, his manager, Noel Ferrer, who is formerly from ABS-CBN, is now part of GMA Films.

Binago na rin ang final title ng pelikula from its original Ouija Board.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN