Four youngsters encounter ghosts in Villa Estrella


The horror film Villa Estrella stars (from left) Jake Cuenca, Shaina Magdayao, Maja Salvador, and Geoff Eigenmann. This Star Cinema film will open in cinemas nationwide starting July 1, 2009.



Sa July 1 na ang showing ng Star Cinema's 16th anniversary offering na Villa Estrella directed by Rico Maria Ilarde. Excited na nga ang mga bida ng naturang horror movie na sina Shaina Magdayao, Maja Salvador, Jake Cuenca at Geoff Eigenmann. Kasama rin sa cast ng movie sina John Estrada, John Arcilla, Ronnie Lazaro, Celine Lim, Empoy, Rubi Rubi, at Liza Lorena.

Bagama't sina Shaina, Maja at Jake lang ang nakikitang nagpo-promote sa ABS-CBN, nagpahayag naman ng kanyang pagsuporta si Geoff kahit na lumipat na siya ng GMA-7.

Sa nakaraang presscon nga ng Villa Estrella, sina Shaina, Maja at Jake ang dumalo along with Direk Rico. During the presscon ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na ma-interview ang tatlong bida tungkol sa kanilang mga roles sa pelikula.


SHAINA MAGDAYAO: "I play the role of Ana, ex-boyfriend ko si Jake, boyfriend ko dito si Geoff. Tapos medyo binubugbog po ako ng tatay ko, si John Estrada. Dito sa film meron kasing dream si Ana, na hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin. Sa pagpunta po naming apat sa Villa Estrella, doon po natin malalaman kung ano yung ibig sabihin ng dreams ni Ana."

Thankful din si Shaina sa Star Cinema na isinama siya sa movie na ito. Ito na raw ang biggest movie niya so far sa Star Cinema.

"I'm very happy na better yung 2009 ko and wala na akong mahihiling pa. Meron akong projects sa TV and then now fortunately napasama pa ako dito sa Star Cinema movie na ito. I'm very, very thankful sa Star Cinema at thankful din ako na nakasama ko ang mga taong gaya nina Maja, Jake at Geoff," masayang sabi pa ni Shaina.


MAJA SALVADOR: "Ako si Giselle, isa ako sa makakaranas ng kung anuman ang mangyayari sa Villa Estrella. Abangan n'yo dahil kakaibang Maja, kakaibang Shaina ang makikita n‘yo. Sobrang, alam n'yo yun, pati kayo mapapagod, mahihingal, malilito kung ano ba talaga ang mangyayari sa istorya. Panoorin n'yo."

Pangalawang horror movie na ito ni Maja after ng blockbuster hit na Sukob also from Star Cinema, kaya naman tinatawag na siya ngayong Horror Princess. Pero sabi ni Maja mas mabigat at mas challenging daw ang role niya rito sa Villa Estrella.

"Sa Sukob, grabe yung challenge sa akin dun. Eto [Villa Estrella] mas matindi, mas pisikal, iba. Nakaka-challenge gawin yung movie. Nandun yung pressure na parang pag-iisipan mo yung bawat eksena kung paano mo ibibigay. Kung paano mo iaarte, ganun po. So, kailangan n'yo pong abangan kasi grabe as in 200 percent yung ibinigay namin ni Shaina dito, as in dinoble po namin."


JAKE CUENCA: "Ako si Alex dito sa movie. I play the ex-boyfriend of Shaina. Tapos yun na nga, I take her to Villa Estrella kasi last ditch effort ko na yun para mahalin niya ako ulit. Tapos ang daming pangyayari sa Villa Estrella na tumugma sa napanaginipan, sa dreams ni Ana, played by Shaina. Bale malalaman n'yo rin kung ano ang mangyayari sa dreams niya kug paano nagkakatotoo yun. Kung ano yung mga messages na ipinapakita sa kanya ng mga dreams niya. At the same time kung ano ang mangyayari sa relationship namin."

Very excited din si Jake sa Villa Estrella dahil first movie niya ito sa Star Cinema.

"Bukod sa unang pelikula ko sa Star, this is my first movie na ganitong kalaking role din. It's a good feeling. I feel very blessed to have it. The moment I found out I was gonna do it, I was excited to do this project," sabi pa ni Jake.


BEHIND-THE-SCENE INTERVIEWS. Samantala, narito naman excerpts ng behind-the-scene interviews ng ilan pang cast members ng Villa Estrella pati na ni Direk Rico Ilarde tungkol sa kanilang mga saloobin about the movie. Bahagi ito ng ipinalabas na audio-visual presentation during the presscon.


GEOFF EIGENMANN: "Ang sarap! Every movie that I've done with Star Cinema, I've always enjoyed. Laging masaya sa set kahit iba-iba yung nakakasama. Marami ring familiar faces, I'm comfortable with everyone. Everyone's professional, so masaya lahat.

"I actually love working with Shaina and Maja. They're both very professional, magaan katrabaho. Sa mga eksena namin, kahit ano ang gawin namin, kahit di namin pinag-uusapan, we do what we feel. With Jake, I've worked with him before. We're part of the same TV show, yung Pedro Penduko. He's very professional din naman. He's really into what he's doing."


JOHN ESTRADA: "This is one of the few horror movies that I did and masaya. Mapi-feel mo yung spookiness di ba, especially nasa lugar ka. And of course it's my first time to work with Direk Rico. Magaling siya, marami siyang ideas and may mga bagong effects na makikita natin dito when it comes to horror movies."


JOHN ARCILLA: "Alam ko lahat kayong nakapanood na ng suspense na pelikula ng Star Cinema ay di kayo nabigo. But this time, not because I'm part of it, ang Villa Estrella po, na-exceed pa yung ibang mga napanood n'yo nang suspense movie ng Star Cinema. Iba ang twists and turns. Iba ang pagkakagawa, iba yung quality, ibang klase."


CELINE LIM: "Siyempre po sobrang saya ko. Masaya po silang katrabaho at saka masaya naman po dito. Nagkukuwentuhan kami lagi, nagbibiruan. Tapos minsan pag wala po kaming magawa, kumakain-kain lang po kami ng chips, ganun."


DIREK RICO ILARDE: "The movie is actually the story of this young woman. Initially, she's disturbed by these recurring dreams na di niya maintindihan kung ano yung source ng parang bangungot niya. The main thrust of the movie is: what are these dreams? What do they mean?

"My vision for this movie was I understood from day one that it was a Star Cinema film. Immediately once you understand that, there are certain aspects that you have to attend to. Like the production value, it has to have a certain polish and sheen, a certain gloss.

"It was actually a difficult project to undertake, ang dami kasing elements. It's a dramatic film which means you have to spend a lot of time encouraging actors, getting believable performances and at the same time it's a horror thriller. The minute na sabihin mong horro, ang daming... you have effects, stunts, production design. Nakakapagod siyang i-shoot, pero nakakataba ng puso to see how the audience reacts to the scenes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN