Marian Rivera and Carla Abellana will work together in Nieves


Marian Rivera (top frame, left) and Carla Abellana will work together in the 2009 Metro Manila Film Fest entry Nieves. Meanwhile, the MMFF entry Carlo J. Caparas' Ang Panday stars Senator Bong Revilla, Iza Calzado (bottom frame, middle), and Rhian Ramos.


Noong July 3 ay na-announce na ng Metro Manila Film Festival 2009 screening committee ang walong official entries para sa taunang festival, ngunit ngayon pa lang nafa-finalize ang cast ng ilang pelikula.

Pinakaunang matatapos ang Imus Production at GMA Films entry na Carlo J. Caparas' Ang Panday (officialtitle nito) sa direction ni Mac Alejandre mula sa panulat ni RJ Nuevas.Apat na araw na lang ang nalalabing shooting days para sa pelikulangpagbibidahan ni Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. Tatlo ang announcedco-stars ni Bong sa pelikula: si Phillip Salvador bilang si Lizardo, atsina Iza Calzado at Rhian Ramos bilang mga leading ladies ni Bong.

Pumayag na rin si Sharon Cuneta sa Mano Po 6: My Mother naididirek ni Joel Lamangan mula sa script ni Roy Iglesias. Hindi pafinal kung sino ang gaganap na magiging mga anak ni Sharon sa pelikula,pero balitang tinanggap na ni Zsa Zsa Padilla ang role bilangnakakatandang kapatid ni Sharon at si Helen Gamboa naman ang gaganapbilang older Sharon.

Sa Nieves ni Mike Tuviera, na mula sa panulat ng writing team ng Regal Entertainment, magsasama naman sa unang pagkakataon sina Marian "Marimar" Rivera at Carla "Rosalinda" Abellana. Balitang tinanggap na rin ni Pokwang ang special role na manananggal sa pelikula.

Pasok sa dalawang entries—Ang Panday at Nieves—ang child actor na si Buboy Villar.

Nagka-cast na rin ang Shake, Rattle & Roll 11 at ang unang na-announce na kabilang dito ay si Ruffa Gutierrez.

Ang walong pelikula na kalahok sa MMFF sa December 2009 ay ang mga sumusunod:

1. Mano Po 6: My Mother (Regal Films) with Sharon Cuneta, direction by Joel Lamangan

2. Nieves (Regal Films) with Marian Rivera, direction by Mike Tuviera

3. Shake, Rattle & Roll XI (Regal Films) headed by Ruffa Gutierrez

4. Juan with Dolphy and Willie Revillame, script and direction by Eric Quizon

5. Ikaw Na Nga? (Star Cinema) with Kris Aquino and Eugene Domingo, direction by Wenn Deramas

6. Ang Darling Kong Aswang (M-Zet Productions) with Vic Sotto, direction by Tony Y. Reyes

7. Ang Panday (Imus Productions-GMA Films) with Bong Revilla, direction by Mac Alejandre

8. Wapacman (Solar Films) with Manny Paquiao, direction by Topel Lee


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN