Marian Rivera to Dingdong Dantes: "Thank you, dahil kung wala ka dito di ako mag-i-i-smile."

by Allan Sancon
Dec 21, 2010
"Ang maipagmamalaki ko ay yung pagiging komedyante ko na lumabas talaga rito," says Marian Rivera about her Metro Manila Film Fest entry Super Inday and the Golden Bibe. Dingdong Dantes held Marian's hand as they walked on the red carpet during the December 18 premiere night of the movie at SM Megamall. (CLICK HERE to learn more

Magka holding hands sina Marian Rivera at Dingdong Dantes nang naglakad sila sa red carpet para sa premiere night ng Super Inday and the Golden Bibe noong Sabado, ika-18 ng Disyembre 2010, sa Cinema 10 ng SM Megamall.

"Na te-tense ako at sobrang excited talaga, kaya nga sinama ko siya para di ako kabahan, e," sabi ni Marian, sabay yakap kay Dingdong.

Ayon naman sa aktor, "Kahit wala akong time gagawa talaga ko ng time para sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kakabado, para siyang ga graduate na di mo maintindihan, ganun yung pakiramdam nya. Alam kong this is something very special to her. Sigurado namang ma aapreciate ng mga manunood ito."

Dinumog ng mga fans ang premiere night na ito, at karamihan sa mga nanood ay mga bata kasama ang kanilang mga magulang dahil super pambata ang istorya at special effects na ginamit sa pelikulang ito.

Bukod sa gumanap na Super Inday na si Marian, present din ang super hero na leading man ni Marian, si Jake Cuenca, at ang kanyang Golden Bibe friend na si John "Sweet" Lapus. Hindi nakadalo sa premiere night si Pokwang dahil may ibang show ito nang gabing iyon. Nakita rin sa premiere night ang mga ibang cast members ng pelikula tulad nina Jestoni Alarcon, kasama ang kanyang dalawang anak na babae. Andun din sina Sheena Halili at ang mga young stars na sina Nash Aguas, Buboy Villar, Sabrina Man at Elijah Alejo.

Continue reading below ↓

Sa premiere night ng nasabing pelikula magkakatabi ang mga bidang sina Jake Cuenca, John Lapus. Siyempre, si Marian Rivera ay tumabi kay Dingdong Dantes, at kitang-kita ang pagiging sweet ng dalawang magkasintahan.

Nang tanungin si Marian na magbigay ng mensahe kay Dingdong bilang escort niya sa premiere night na ito, sinabi ng dalaga, "Thank you, dahil kung wala ka dito di ako mag-i-i-smile."

Tuwang-tuwa din si Marian dahil dumating ang kanyang lola at mga college classmates para manood din ng kanyang pelikula.


Nang tanungin si Marian kung ano ang pinaka-matinding stunt na ginawa niya sa pelikulang ito, ito ang sagot ni Super Inday: "Wala naman masyado, yung mga fight scenes lang, siyempre me harness ako pero di naman na iba sa akin yun dahil sa nag Darna na naman ako before. Pero ang maipagmamalaki ko ay yung pagiging komedyante ko na lumabas talaga rito."


Tinanong din si Marian kung ano ang similarities ni Super Inday at ni Marian sa totoong buhay. Aniya, "Malaki! Kasi si Super Inday, basta may gusto siyang gawin basta alam niyang nasa tama gagawin niya yun at hindi nya pababayaan yung mga mahal niya sa buhay at ganun din ako sa totoong buhay. Isa pa sa similarities ko kay Super Inday ay ang pagiging kalog at ang pagiging baklang babae sa Pilipinas."

Continue reading below ↓

Click here to visit PEP's microsite about the MMFF

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang maipagmamalaki ko ay yung pagiging komedyante ko na lumabas talaga rito," says Marian Rivera about her Metro Manila Film Fest entry Super Inday and the Golden Bibe. Dingdong Dantes held Marian's hand as they walked on the red carpet during the December 18 premiere night of the movie at SM Megamall. (CLICK HERE to learn more
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results