Angelica Panganiban explains why boyfriend Derek Ramsay was absent during Bulong premiere


Bulong stars (L-R) Vhong Navarro, Angelica Panganiban, Bangs Garcia, Jon Avila and Teddy Corpus were present at the premiere held at SM Megamall last night, February 1. This horror-comedy film has been graded B by the Cinema Evaluation Board.


Nagmistulang couples night ang premiere night ng Bulong kagabi, February 1, sa SM Megamall Cinema 10. Dumalo ang real-life partners na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao at maging ang "exclusively dating" couple na sina John Prats at Rachelle Ann Go na sabay naglakad sa red carpet.


Bagamat nag-iisang naglakad sa red carpet si Billy Crawford nang gabing iyon, nakita naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kasama niya sa loob ng sinehan ang kanyang girlfriend na si Nikki Gil. Magkasama ring nanood si Zanjoe Marudo na kamakailan lang ay inamin na nililigawan niya si Bea Alonzo.

(CLICK HERE to read related article)

Naitanong tuloy ang bida ng Bulong na si Angelica Panganiban kung bakit wala ang kanyang boyfriend na si Derek Ramsay sa gabing iyon. Ayon sa actress-comedienne, "Nagkaroon kasi ng emergency meeting si Derek kaya di siya nakasama ngayong gabi, actually naka ’oo’ siya sa meeting niya, nawala sa isip niya, may premiere night ngayon. Pero magkikita naman kami mamaya after ng premiere night."


Tinanong ng PEP kung nagtampo ba siya kay Derek dahil hindi ito nakarating sa kanyang premiere night? Sagot ng dalaga: "Slight lang, pero nag-move on na ako kaagad (sabay tawa)!

"Pero nagkausap naman kami at sinabi ko sa kanya na i-date niya ko bukas at manuod kami ng Bulong at sabi niya ,’Okay! Okay!’ Sabi ko, ’Sabi mo yan ha? Sige bati na tayo.’ So nagbati naman kami kaagad. Sobrang dali ko kayang kausap."


Kinumusta rin ng PEP si Angelica tungkol sa weeklong vacation ni Derek sa England. Nakapag spend na ba sila ng time together after ng vacation ni Derek?

Ani Angel, "Oh yes! Hi-hug ko siya ng super tight! Nagkasakit si Derek sa UK, kasi sobra lamig nga daw dun, siguro change of weather. Dito kasi, hindi naman ganun kalamig kumpara dun, so ayun naging masama ang ubo niya, pero okay na siya ngayon. Kasama nga ako dapat dun sa UK, kaya lang kailangan talagang mag-promote ng Bulong, so naintindihan naman niya yun."


Nang tanungin si Angel kung ano ang plans nila ni Derek this Valentine’s Day, inamin ni Angelica, "Wala! Kasi pag ganun nag-cha-charity works kami sa mga bata! Kasi lahat ng tao nag-de-date, so kami sine-share namin yun sa ibang tao. Since nung naging kami palagi na namin yung ginagawa, I think, third year na yata namin yun ginagawa."


Ano ang regalo ni Angel kay Derek? Ito ang pabirong sagot ni Angel: "Kiss! Kiss sabay hug (tumatawa)!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ano naman ang naramdaman ni Angelica habang pinapanood ang Bulong, ang pelikula niya with Vhong Navarro at Bangs Garcia?

"Bago magsimula yung movie, medyo namumutla ako at pinagpapawisan dahil sa sobra kong kaba," pag-amin ni Angelica."Siyempre natakot kami kung anong magiging reaksyon nung mga tao, pero nung nagsimula na yung movie, ayun na! Unti unti nang nawawala yung kaba ko and sobra kaming happy! As in napapa ’Wow!’ ako, sabi ko, ’Wow! Ang ganda! Ang ganda!’ Ganun lang ako nang ganun.Para ngang di ako kasali dun sa movie, kasi nagugulat ako...natatawa ko. Success! Eto na yun! Talagang ini-enjoy ko yung buong movie, so nakikitawa ko sa mga tao, nakikisigaw ako sa kanila. Ang ’fan’ ng dating ko. Sobra!"


Ang Star Cinema film na Bulong ay idinerehe ni Chito Roño at pinagbibidahan rin nina Jon Avila at Teddy Corpus. Ang pelikulang ito ay graded B ng Cinema Evaluation Board at rated PG-13 ng Movie and Television Review and Classification Board.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN