Coco Martin will be Judy Ann Santos’s leading man for her comeback film


Coco Martin and Judy Ann Santos will be paired in an upcoming movie, which will also star Gina Pareño and Maja Salvador. In this photo, Coco shows his trophy during the recently concluded 42nd Guillermo Mendoza Box-Office Entertainment Awards where he was honored as the Prince of Philippine Movies.


Si Coco Martin ang magiging leading man ni Judy Ann Santos sa kanyang comeback movie.

Tuwang-tuwa si Coco sa napakagandang pagkakataon na ito sa kanyang career. "Bata pa lang ako pinapanood ko na si Ms. Judy Ann... in Esperanza, Krystala," aniya sa isang panayam ng ABS-CBN. Makakasama din nila sa pelikula sina Gina PareƱo at Maja Salvador.

Ngunit hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sa iisang pelikula ang dalawang talents. Noong 2001 ay may role si Coco sa pelikulang pinagbidahan ni Judy Ann na pinamagatang Luv Txt.

Kasalukuyang gumaganap ng dual roles si Coco sa teleserye ng ABS-CBN na Minsan Lang Kita Iibigin. Dito ay gumaganap siya bilang kambal na magkaiba ang landas: isang sundalo at isang rebeldeng miyembro ng NPA.

Nominado ngayon si Coco sa Urian Awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang Noy. Nanalo na rin siya dati sa nasabing patimpalak bilang Best Supporting Actor para sa Serbis. Paparangalan din siya ng Urian bilang Actor of the Decade.

Samantala, si Judy Ann ay napakarami nang natanggap na acting awards, ang pinakahuli ay ang Best Actress Awards sa 2007 PMPC Star Awards, Enpress Golden Screen, at Famas Awards para sa Kasal, Kasali, Kasalo. Sa 2009 Gawad Pasado at Gawad Tanglaw naman ay pinarangalan rin siya para sa Ploning, kung saan siya din ay nagsilbing producer.

Ngayong taon ay inaabangan na ang pagbabalik-showbiz ni Judy Ann, matapos siyang ikasal kay Ryan Agoncillo noong 2009 at ipanganak ang kanilang anak na si Juan Luis noong October 2010.


Nakatakda rin maging host si Judy Ann ng Philippine edition ng Junior MasterChef na ipalalabas sa ABS-CBN.


(CLICK HERE to read related article)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN