Maricel Soriano urges public to watch "Paraiso" in support of Gawad Kalinga


"Nu’ng binasa ko ang script namugto ’yung mata ko," recalls Maricel Soriano about the script of Paraiso, a film based on the experiences of Gawad Kalinga volunteers.


Halos lahat ng movie cast ng Paraiso: Tatlong Kwento ng Pag-asa ay may ginawang sakripisyo, all for the love of Gawad Kalinga, a group with the vision of eliminating poverty by building homes all over the Philippines.

Sa episode na "Umiiyak Ang Langit" natoka ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa umpisa daw ay hindi niya maunawaan ang pakay ng Gawad Kalinga until ipinaliwag sa kanya ni Mr. Tony Tuviera na itinuturing niyang Tatay-tatayan sa showbiz.

"Nu’ng iniupo niya ako, dun ako na-enlightened. Na tayong lahat nagtra-trabaho para sa pamilya natin, para sa mga extended family natin pati kapitbahay natin. Parang ganu’n. Kaya ’yung puso ko, parang may boses na nagsasabing iba naman ito.

"Tutulong ka naman sa mga taong hindi mo kakilala. Hindi mo kamag-anak. Ni hindi mo kaano-ano. Pero bakit ba hindi ko maintindihan na ang luwag sa kalooban...masarap sa pakiramdam nang gawin ko itong Paraiso.

"Meron isang taong nagsabi sa akin noon, ibig sabihin past tense ito, ha, matagal na kasi 37 years na ako sa industriya kaya lang nakakatuwa kapag noon meron kang mga topak, nakakunot ang noo mo pero binabayaran ka naman. E, bakit ngayon parang ganadong-ganado ako dito sa Paraiso movie, e, ‘ala naman akong bayad.

"Aba, e, hindi ko nga maintindihan...sira na nga talaga ang ulo ko, sabi ko sa sarili, ha..ha..ha! Pero ’yon nga siguro, ’yung divine intervention. Kasi sabi nga nila sa pamamagitan ng Gawad Kalinga, di ba may mga disasters na nangyayari, we really do come together here and we forget our differences. Kaya eto na yung tinatawag na divine intervention. ’Yung miracle ng Diyos na gumagalaw siya through us," wika ni Marya.

Sinabi pa ng Diamond Star na ang Paraiso para sa kanya ay ’yung puso...’yung pakiramdam mo sa kalooban mo na hindi lamang ’yung panglabas na anyo dahil nagfe-fade naman daw ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang mananatili ang ’yung tunay na nasa kalooban natin...’yung ating soul, na pagharap natin sa Panginoon ay talagang puwede tayong mag-chin up at magsabing...."Papa God, trinay ko ang best ko sana my best is good enough," sabi pa ni Maricel.

Aminado rin ang Diamond Star na ang most difficult scene niya dito sa Paraiso ay noong matabunan siya ng putik.

"Ayoko pa naman ng putik, noh. Ha..ha..ha! Pero ’yung totoo, nu’ng binasa ko ang script namugto ’yung mata ko. Sabi ko nga, hindi ito ginawa na istorya.

"Ito ay tunay na istorya. Tunay na nangyari sa isang tunay na tao. Paano kaya kung tayo ang nasa kalagayan ni Jocelyn? Nawala ang mga mahal niya sa buhay. Pero ‘pag ganu’n sabi nga, e, may kapalit at talagang masasabi nating may Diyos. Mahirap pero kailangan pa rin nating magpasalamat sa Kanya."

(Ang tinutukoy niya ay si Jocelyn Llorente, isa sa mga biktima na nawalan ng anak dahil sa mga mudslides na naganap sa Liloan, Southern Leyte noong December 2003.)

"Magpasalamat sa araw-araw dahil nagigising pa tayo. At panibagong umaga na naman ang tatahakin, hindi ba?" pagtatapos ng Maricel.

Amen to that!

Bukas, July 4, ang showing na ng Paraiso. Ang panawagan ni Maricel, sana daw ay tangkilikin nating lahat ang nasabing pelikula upang marami pang bahay ang maipatayo ng Gawad Kalinga Foundation for the less fortunate.

Kasama rin sa major cast sina Cesar Montano para sa episode na "Marie" na tungkol kay Marie Rose Abad, isang Filipina na namatay sa 9/11 attack sa World Trade Center. Bilang pagtugon sa trahedyang ito, ang kanyang asawa ang nagpatuloy ng kanyang mga pangarap sa pamamagitan ng paggawa ng isang Gawad Kalinga village in her honor.

Samantala, sina Michael V. at Carmi Martin ay kasama sa episode na "Ang Kuya Kong si Elvis" na siyang magsisilbing lighter side ng trilogy movie. Ito ay tungkol sa isang bata na kumakain ng mga bato upang malagpasan ang gutom at tungkol sa isang pamilya ng Gawad Kalinga volunteers na inampon siya sa kabila ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naipalabas na ang Paraiso: Tatlong Kwento ng Pag-asa sa 40 iba’t ibang premiere sa buong mundo bago ito ipinalabas sa unang pagkakataon noong June 12 sa SM Mall of Asia. Ang regular theater screening nito ay magsisimula bukas, July 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN