Matteo Guidicelli finds it easy to show his love for girlfriend Maja Salvador in #MyCactusHeart


Real-life couple Matteo Guidicelli and Maja Salvador will topbill #MyCactusHeart, which will open in cinemas by January 25.


Sa unang pagkakataon ay mapapanood ang tambalan nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli para sa pelikulang pinamagatang #MyCactusHeart. Noong Martes, Enero 3, ay nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makapanayam ang dalawa nang ganapin ang pictorial para sa kanilang pelikula na ipapalabas na simula January 25.


Ano ang pakiramdam mo Matteo na mayroon na kayong pelikula na kayo ni Maja ang bida?

Matteo: "This is a one year in the making movie, I’m very, very excited for it kasi, this is my first lead role. In my first movie, I played support in Catch Me I’m In Love with Sarah [Geronimo] and Gerald [Anderson]. Pero eto na, eto na po yung first lead movie ko kasama si Maja Salvador at Xian Lim, sobrang excited ako and very very nervous."

Ano ang aasahan ng manonood sa pelikula ninyo ni Maja?

Matteo: "I think almost real life, almost true, kasi di ba kami ni Maja, when I make a scene with her, parang I don’t act anymore, it’s very natural to see her. Parang kung kailangan kong ipakita na mahal ko siya, makikita mo na talaga di ba? Pero sobrang nervous ko talaga kasi this is my first lead launching movie. I can’t believe it will happen. It’s a great blessing for me."

Ano ang character mo rito?

Matteo: "Ako si Carlo rito, yung role ko rito ay isang waiter-musician, mahaba pa yung buhok ko. So, kakaiba yung character ko rito very challenging."

Paano pag nag-aaway kayo ni Maja or may misunderstanding, nakaka apekto ba ito sa acting n’yo sa movie?

Matteo: "With Maja, hindi, hindi po talaga, sobrang professional ni Maja pagdating ng set, in-character talaga sya, she’s in her character, pero paglabas ng set, ayan andyan na yung tampuhan."

Kamusta na ang relasyon n’yo ni Maja? Totoo bang nag-break na raw kayo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matteo: "We’re good po, we’re very, very happy, sometimes we have our ups and down, but we’re very happy, magkasama kami after New Year, sobrang saya, we’re very, very nervous this January 25 for our movie."

For the record, gaano na kayo katagal ni Maja?

Matteo: "Secret! Hahaha!"

May mga nagsaabi na yung break up n’yo daw ay promo for the movie? Anong masasabi mo dun?

Matteo: "Hindi promo for the movie yung break up na yun, because unang una hindi namin alam that the movie will be shown this January 25. Hindi talaga, hindi talaga promo sa movie yun. Kung ano yung nangyari, nangyari talaga sa totoong buhay, I got sick and all of the stuff. Okay kami, kami pa rin."

MAJA SALVADOR. Nang tanungin naman si Maj kung ano ang character niya sa ito ang kanyang naging sagot:

Maja: "Ako si Sandy rito, never pa akong nag ka boyfriend, pero grabe akong mambasted ng mga lalaki, iisipin n’yo na isa sa mga dahilan, bakit nambabasted ang isang babae, dahil nanggaling sya sa isang masamang relationship. Dito sa kwento, magtataka kayo, kasi never pala sya nagka boyfriend, pero bakit siya nambabasted, anong totoong dahilan. Sa movie, ipapa realize hindi lang sa character ko kundi sa mga manonood ng pelikula namin kung ano ba yung iba’t ibang meaning ng pag-ibig."

"Yung character ko rito lost siya, kailangan n’ya ba tanggapin na umiibig na siya, alam mong nandyan na yung pag ibig, ayaw mo pang i-grab, ayaw mo pang tanggapin na in love ka na, yung pilit mong dine deny, kasi takot kang ibigay ang lahat, takot kang masaktan. Maraming sitwasyon na pwedeng mangyari kung bakit ayaw mong tumanggap ng pag-ibig, at yun ang i-explain ng aming pelikula, lalo na dun sa sitwasyon ni Sandy...kung bakit nagkaroon siya ng "cactus heart."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit ngayon lang ito ipapalabas? Bakit inabot ng one year bago matapos yung pelikula?

Maja: "Oo nga, inabot ng one year bago natapos. Unang title nito dapat Basted at ngayon nga #MyCactusHeart na. Ako kasi, medyo na busy yung schedules ko. Nag start kami i-shoot ito December 2010 tapos nag Thelma ako, Minsan Lang Kita Iibigin, tapos medyo naing busy rin si Direk Enrico Santos, kasi ginawa nya yung In The Name of Love so kailangan ding mag stop."

Ang unang plano ay gawin ito bilang indie film ngunit nagdesisyon ang mga producers na gawin itong mainstream film. Ano ang reaksiyon ni Maja dito?

Maja: "Grabe lang, kasi ang dami ko nang pelikula na ginawa sa Star Cinema. Nag start ako ng Sukob, then Villa Estrella, First Day High and now eto na, yung dapat first indie film ng Star Cinema ginawa nilang mainstream at sobrang thankful ako for this great opportunity. Salamat sa trust na ibinigay sa amin ni Matteo, sobrang laki nang binigay ninyong tiwala sa amin para maging mainstream itong pelikulang ito."

Sa katapusan ng interview, tinanong ni Matteo si Maja ng pabiro, "Mahal mo ba ko?" Sagot naman ni Maja, "Sobra!"

Ipapalabas na sa January 25, 2012 ang #MyCactusHeart under Star Cinema, kasama nila si Xian Lim, directed by Enrico Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN