John Rendez on Nora Aunor: "We respect each other's talents."



"Rap is attitude!" Ito ang nasabi ng rap artist na si John Rendez hinggil sa masasabing "misconception" sa mga tulad niyang nagra-rap.

May mga nag-iisip kasi na kapag rapper ay "arogante" at "mayabang" ang mga ito.

Pero, ayon kay Rendez, o John Robert Porter, Jr., straightforward at walang paliguy-ligoy niyang sinabi na: "Rap is attitude!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John Rendez noong April 11 sa PolyEast Records office kunsaan pinag-usapan niya ang kanyang comeback CD titled John Rendez/ Metaldog/There Can Only Be One.

Noong October 2012, nagkaroon ng launching ang album ni John at agad din siyang sumabak sa mga activities na kaugnay ng promosyon nito: press launch, radio guestings, at spot numbers in shows at Zirkoh, Tomas Morato and at the Oktoberfest held in Makati Square.

Ayon sa PolyEast, hindi malayong magkaroon na rin ng mall tour at iba pang kaabalahan ang nagbabalik-aktibong rapper.

"As soon as I'll start promoting this album, I'm sure that will follow," sabi pa ni John.


ON NORA DOING RAP. Pakuwelang tinanong ang Fil-Am rapper kung ano naisip ba nito na i-feature si Ate Guy in one of his upcoming albums.

Nangiti naman si John. "Kung makakapag-rap siya... ah, we'll talk about it when we get there..."

Bilang manager niya, sabi ni John, si Ate Guy daw ay appreciative of his rap music.

Tulad nang una nitong marinig ang mga bago niyang komposisyon na nakasali sa latest album: ang "There Can Only Be One," "Sowerzitat," "Domination," ang ni-revive na "Metaldog" at iba pa.

Ayon sa kanya, nag-comment si Ate Guy na "'Ang galeeeeng!" tungkol sa kanyang album.

"Ate Guy is really cool!" saad pa ni John. "She's a cool person. Kaya kami nagkakasundo.

"Hindi niya kasundo yung mga contemporaries niya," sabi pa ni John. Or, rather, "Kasi wala nga siyang [Nora] contemporaries, e.

"So, bilang artist, du'n kami nagkakasundo. We respect each other's talents."

Natutuwa rin daw si John na naging kaibigan na rin niya ang mga fans ni Ate Guy na aktibo sa fans club nito, tulad ng Nora's Friends Forever at Noranians Worldwide groups.

"Yeah...they love me," nakangiting sambit pa ni John.

"Of course, bodyguard ako ni Ate Guy, e. I am 'the dog!'" aniya.

Dagdag pa ni John, "Basta, kung ano'ng gusto niyang gawin sa buhay niya, 'support' ko siya.

"Hindi ko siya dinidiktahan kung ano ang dapat gagawin niya. Basta ako, 'support' ko siya."

Nang nagkasunud-sunod ang pananalo ni Nora Aunor ng mga international at local acting awards para sa Thy Womb, unang-unang nagpahayag ng kasiyahan si John Rendez.

"Masaya ako [para kay Ate Guy]," sabi rin niya. Expected daw yon, lalo noong isang taon, being a Dragon year.

"She's a 'Dragon', e. It's written in the stars!" sambit ni John about Nora's winning streak.

Bilang isa namang isinilang sa Year of the Dog (o noong January 6, 1971), sabi ni John, compatible daw talaga sila ni Ate Guy.

This year, magdiriwang si Ate Guy ng kanyang 60th birthday on May 21.


RAP ARTIST AND ACTOR. Sa isang banda, all-out din ang support ni Ate Guy kay John, hindi lang sa pagiging rap recording artist nito kundi sa pagiging isa ring aktor.

Kung matatandaan, nang madiskubre ni Nora Aunor si John ay isinali niya ito sa pelikulang kanyang prinodyus, Ang Totoong Buhay ni Pacita M. (1991) na dinirek ni Elwood Perez.

Si Ate Guy din ang nag-produce ng launching vehicle ni John, bilang action-drama actor, via Sindak in 1999, na dinirek ng yumaong si Mario O'Hara.

Mula noon, ilang pelikula na rin ang natampukan ni John at iniisa-isa niya ring banggitin ang mga ito, sa naturang bloggers' interview:

"I did a movie with Ronnie Ricketts: Madaling Mamatay, Mahirap Mabuhay (1996) and Ang Maton At Ang Showgirl (1998); Batang .45 (1999), kasama ko si Michael Rivero in Mistah (1994), I played the role of a soldier.

"Mama, Dito Sa Aking Puso (1997), kasama ko si Matet at Ate Guy."

If plans push through, nakatakda ring gumawa ng isang indie film si John Rendez this year na si Ate Guy ang magpu-produce.

Is John open to do or accept roles on television dramas or teleseryes?

Sabi niya, "Well, you know, the industry seems to look upon me as a rapper and they know that I'm an actor also.

"But if there are offers, you know, I'll accept them.

"Hindi naman sa nangangailangan, e, but if I wanna do something and it's a good project, I'll do it."

Bilang rap artist, open din ba si John Rendez sa pakikipag-collaborate sa ibang Pinoy rappers tulad ni Gloc 9?

"Let me meet the guy first. I don't collaborate, but I'm open to suggestions."

What does John think of Gloc 9's rap music?

"If it works for him, it's good. Kanya-kanyang style..." sambit ni John.



DOING THE 'RAP' CULTURE RIGHT. Hindi na nga raw maaalis ang "rapper" tag ni John Rendez and he doesn't mind.

"I'm already a rapper," aniya. "Those who know me in the circuit, they also know that I'm also known as the 'Overlord MCJ', back in the days when I used to enter into competitions and contests [in rap]."

Sa tinatawag na "underground" rap business, John Rendez has also become quite popular.

Modesty aside, sabi rin nga ni John, "I don't wanna blow my horn, but they say I'm among the best."

What is his take on hip-hop having its own culture in the Philippines?

"I'd like to show... or, I'd like to be an example on how to do the culture the right way.



MESSAGE TO BUDDING PINOY RAPPERS. Ang payo naman ni John para sa mga rap artists sa bansa: "Have your own identity."


Dagdag pa niya: "Just stick in there...

"If you have the talent, just do your thing; magbilang pag tapos na.

"It's never over till it's over," makahulugang sambit pa niya.

Meanwhile, John urged fellow Pinoys to support Filipino music.

"This is my contribution to the music scene," sabi rin niya, referring to his self-titled album, with the "Metaldog/There Can Only Be One" title-track, as its carrier single.

Ang ilan sa mga tracks na kasama sa album ni John Rendez ay ang mga sumusunod: "No More Musik" By The Suckers, "Ratt9MM," "Kembotan," "Everybody Sayaw," "Under The Ground," "Coming To A Theater Near You," at ang semi-novelty Tagalog rap, "Plastik Pala."

While he is of Filipino and American ancestry, John said he's more "a Filipino at heart."

"Sabi nila 'patay' na ang Pinoy music scene? Buhayin natin..." kuwelang paglalahad ni John ng kanyang saloobin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN