Yeng Constantino to collaborate with Bamboo for their BY Request concert on August 17

Yeng Constantino and Bamboo will have their BY Request collaboration concert on August 17 at the Smart Araneta Coliseum.


“Nininerbyos ako, actually,” pag-amin ng Pop Rock Princess na si Yeng Constantino tungkol sa collaboration concert na gagawin niya with Bamboo on August 17.

Pagpapatuloy niya tungkol sa concert nila titled BY Request, “Pero more than that kasabay ng nerbiyos excited at saka masaya.

“I am really honored na mai-pair sa kanya sa isang concert and gusto ko lang gawin yung best ko.

“Hindi lang para may mai-prove ako, kundi para mapasaya rin yung mga taga hanga yung mga taga suporta namin.”

Gaganapin ang BY Request concert on August 17 sa Smart Araneta Coliseum.


Hayagan namang sinabi ni Yeng ang paghanga kay Bamboo na kahit noong hindi pa sikat ang rock artist ay talaga naman sinusuportahan na niya ito.

Kuwento pa ng Pinoy Dream Academy alumna, hindi lang siya kundi pati ang mga ka-banda niya ay hanga sa galing ni Bamboo, “Sobra! Hindi lang ako yung band namin, sobra.

“As in bawat bagong kanta.

“Plus naging endorser pa kaming ng isang soft drink brand magkasama kami dun so parang nakakasama ako minsan sa gig tapos mauuna ako.

“Kahit tapos na ako tumugtog mag-stay ako sa back stage just to watch.

“Alam mo yun? Alam mong alam niya yung ginagawa niya.

“Alam mong hindi niya lang alam, mahal niya yung ginagwa niya and he’s very passionate kung ano yung ginagawa niya.


“I just wanna be like that.”

“HERE COMES THE RAIN.” Naging remarkable ang production number nina Yeng at Bamboo nang kantahin nila ang “Here Comes The Rain” sa ASAP noong nakaraang taon. Ang naturang prod number ang naging susi para magkaroon sila ng concert sa Big Dome sa August 17.

Ibinahagi ni Yeng ang nangyari matapos ang prod number na iyon, “Honestly yung pinangalinang ng concert talaga na ‘to ay yung prod number namin na “Here Comes The Rain” sa ASAP 2012.

“Nung rehearsal namin noon binigay yung song. Noong rehearsal sobrang natameme ako nung kumanta si Bamboo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, 'Shocks grabe ang galing niya.'

“Kasi yung presensya ni Sir Bamboo parang kakainin ka kung wala kang sapat na lakas ng loob at kung yung presensya mo hindi rin ganun kalakas, kakainin ka talaga.

“So nung rehearsal aminado ako na medyo tagilid ako.

“So nag prepare ako para dun sa Sunday na ipe-perform naming yun 'Here Comes The Rain' sobrang kinabahan ako, nagpray ako tapos nagpractice ako sa bahay ng paulit-ulit.

“Nung actual prod number talagang kinakabahan ako nung kumakanta kami.”

Dagdag ng singer, “I am so happy na yung kinalabasan ng song sobrang ganda nung lumabas sa TV after nun ang daming nagtext sa akin, ‘Grabe yung collaboration n'yo ni Bamboo, sobrang ganda…’

“Plus yung manager ko si Erickson Raymundo parang sobrang saya niya, ‘We should do a concert!’ parang ako, ‘Okay, tango lang ako. Maganda po yan.’

“Pero never did I imagine na magkakatotoo talaga siya just because of one excellent prod.

“Siguro nga ganun, isa sa mga natutunan kong lessons wag mong mamaliitin yung magagawa ng isang maliit na moment kasi actually walang maliit na moment.

“It’s up to you to make it big. Sobrang saya ko lang talaga na gagawin namin ‘to.

“Maski ako hindi ko alam kung anong i-expect pag nandun na kami daapt mag-ipon na ulit ako ng mas maraming lakas ng loob ngayon pa lamang.”

Pagtatapos niya, “Excited ako, excited ako.”

Bilang fan ni Bamboo paano ang working relationship nila ngayon? Mas naging close na ba sila?

Direktang sinagot naman ni Yeng, “Actually hindi pa kami friends.

“Gusto ko talaga maging super friends kaming dalawa kasi nahihiya pa rin ako, e.

“Pag meron kaming meeting natatameme pa ako minsan.

“Actually ito yung pinaka masasabi ko na mas nag loosen up kami, ‘tong photo shoot.

“Mahaba haba pa naman yung time so mas marami pang chance.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa tinitingala nga ni Yeng si Bamboo ay hindi niya maiwasan na tawagin itong Sir Bamboo. Pero ano ang reaksyon ni Bamboo sa tuwing tinatawag niya itong sir?

Patawang kuwento ni Yeng, “Pinpigilan ko nga, e. Like sa Twitter pina-practice ko na ‘May concert kami ni Sir Bamboo… ay hindi wag na lang nakakatanda naman yung sir.’”

Aniya, “Wala naman age yung music, e.

“Wala naman siyang imik parang deadma lang.

“Dine-deadma niya lang yung sinasabi ko.

“Nakakakaba lang pero mahaba haba pa naman yung buwan.

“Basta nagmi-meeting kami, tapos nagsasabihan kami ng mga gusto namin...very open.

“Actually sobrang bait niyang tao.

“Hindi siya yung rock star na nakikita mo sa stage, actually yung nakikita mo sa stage hindi yun fake na siay parang part ng sarili niya yun, e.

“Pero there’s something na hindi pa natin nakikita isang part pa ng heart niya yung sobrang lambot na part.

“And that’s really exciting to see.”

So far ano na ba ang natutunan ni Yeng sa idol niyang si Bamboo?

Haltang bilib si Yeng ng sagutin ang tanong, “Gusto ko sa kanya rehearsal pa lang performance level na.

“Walang rehearsal sa kanya.

“Hindi siya yung parang rehearsal tapos kakanta-kantahin niya lang yung song, hindi!

“Kakantahin niya na yun kung paano niya kakantahin on stage.

“Minsan nga kahit kinanta na niya ng sobrang ganda sa rehearsal pag naglive mas maganda pa rin. ‘Ano ba ‘yan, nakakaloka!’

“Sobrang galing niya, sobrang galing niya, at saka gustong gusto ko sa kanya pag kumakanta siya ino-own niya talaga yung song.

“Pag narinig mo si Bamboo, ‘Uy version ni Bamboo yun.’

“Hindi ka ma-confuse na ‘Sinong cover niyan parang iba yung kumanta? Alam mo agad na siya.”

May pressure ba na mapuno nila ang Araneta?

Pag-amin ni Yeng, “Siguro may part ng heart ko na nape-pressure pero I just want to leave it sa management sa promotion team kasi kung pati yun iisipin namin ang dami namin iisipin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang set list ng BY Resquest ay mangagaling sa mga fans nina Bamboo at Yeng. Ngayon pa lang ay nakakatanggap na ang dalawa ng ilang tweet requests.

Kuwento niya, “Lalo na yung pagmo-monitor ng requests ng mga tao sa Twitter and kung isasama pa naming yun baka sumabog na yung puso namin ‘di ba? Sa kaba.

“We really trust na maraming Pinoy ang gustong manood ng concert ng kapwa Pinoy, naniniwala ako dun.

“And kung ano yung genuine na excitement namin sa puso namin we know na mararamdaman nila yun.

“Yung excitement na yun so manonood talaga sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN