Zsa Zsa Padilla celebrates her 30th anniversary by releasing new album Palagi

Zsa Zsa Padilla celebrates her thirty years in the industry by releasing her album titled Palagi. The Divine Diva’s latest album contains eight original songs and two song revivals.


Makalipas ang apat na taon, muling naglabas ng bagong album si Zsa Zsa Padilla, ang Palagi.

Sinabi ni Zsa Zsa sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at ibang entertainment press na espesyal sa kanyang ang album na ito.

“Kasi thirtieth… parang anniversary album ko ‘to,” sabi ng Divine Diva.

“For thirty years [in the entertainment industry], and this is very special because I haven’t recorded for four years.

“Tapos ang drama ko palagi akong may sakit, sabi ko, if this is my last album do the best that you can!

“So that’s how I treated this one, uhm, sabi ko, ‘I’m so glad na I’m getting my health back.’”

Nakausap ng PEP si Zsa Zsa noong Hunyo 4, sa Cerchio Grill restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

THE SONGS’ MEANINGS. Bawat isa sa mga awitin sa bagong album ni Zsa Zsa ay mayroong mahalagang kahulugan.

Walo sa mga kanta ay original, habang ang dalawa ay revival. Ang ilan sa mga kanta ay sinulat nina Louie Ocampo, Rey Valera, Francis Salazar, Diana Dayao- Martin, at Chito Ilagan.

Ang kantang “All Cried Out” ay isinulat ng singer-actress para sa kanyang anak na si Zia Quizon.

Kuwento ni Zsa Zsa, “I wrote this for Zia when she had a breakup. Kasi I didn’t know how to comfort her, e, so I said, ‘I’ll gonna write a song.’

“Some people ano, thought it was for Karylle and her major breakup.”

Ang tinutukoy niya dito ay ang paghihiwalay noon ni Karylle at ex-boyfriend na si Dingdong Dantes, na ngayo’y nobyo na ng Kapuso actress na si Marian Rivera.

Pagpapatuloy niya, “when I’ve written the lyrics there inVietnam, I was by the pool, I was crying.

“Si Zia nagsa-sunbathing, I was crying, ‘Now I think everything is about me!’ Kasi gano’n pala ang heartbreak, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi I didn’t understand what a heartbreak means before, I thought it was just about breaking up with somebody.

“It was about din pala losing somebody, ‘yong namatayan ka, kasama pala ‘yon sa definition ng heartbreak.”

Pinakanahirapan naman daw siyang i-record ang kantang "How Can You Say," dahil “it’s about falling in love, di ba?” natatawang paliwanag niya.

“I was like, ‘What am I going to think about?’ sabi ko sa writer. Sabi niya, ‘Paraka lang nasa prom,’ ‘Gano’n lang ako kabata?’ sabi kong gano’n.

“[He said], ‘You know when you have a crush and you see him,’ ‘But I don’t have a crush…’ so okay, artista naman ako di ba?

“But this is the hardest.”

DOLPHY’S ADVICE. Kung mayroon daw siyang isang kanta na ide-dedicate sa kanyang yumaong partner na si Comedy King Dolphy, iyon daw ay ang kantang “Di Ka Na Akin.”

Hindi ito ang unang beses na nag-dedicate ng kanta si Zsa Zsa para kay Mang Dolphy. Katunayan, noong pumanaw ito ay nahihirapan pa siyang kumanta ng mga love songs.

Pero ngayon ay ayos naman na. May nahanap na nga raw siyang isa pang kanta na iaalay kay Dolphy.

Nakangiting kuwento ni Zsa Zsa, “Last time in Australia I found a song to dedicate to him [Dolphy], ‘Kahit Na.’

“Kasi I did this song when I was eighteen years old, it was my first single. Sabi ko, something like that means so much for him.

“You know, the only song that I did na I can’t do until now is ‘Hiram,’ which a lot of people request— hindi ko kaya talaga. Kanta ko ‘yon sa kanya, e.”

Tanda rin daw niya noon, sa tuwing gumagawa siya ng album at nagko-concert, mayroong mahigpit na bilin si Dolphy: “The first advice that he gave me, ‘When you do a concert, make sure that the songs in your line up are the songs people want to hear.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But one song normally, naglalagay ako ng pag-akin lang, pero heavily spilled para maintindihan nila bakit mo ginawa.”

THE TRACKS. Ang album na Palagi ni Zsa Zsa Padilla ay produced by PolyEast Records.

Narito ang listahan ng mga kanta sa album:

1. Dito Lang

2. SaPilingMo

3. Di Ka Na Akin

4. Palagi

5. Without You (revival)

6. How Can You Say

7. All Cried Out

8. I Do

9. Ngayon at Magpakailanman

10. Maging Sino Ka Man (revival, duet with Martin Nievera)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN